chapter 7 [Unspoken Truth]

5.8K 99 0
                                    

May nararamdaman ako na may gumigising sakin.

"Hmm .. Mamaya na . "
"Gumising ka na ! .. Male-late na tayo sa work oh!! "
"Maaga pa.."
"Err .. Gumising na sabe!!"
"Kyaaaahhhhhh!!"

Sinigawan niya ko sa tenga. Grabe talaga .. Kala ko matatanggalan na ko ng eardrums

"Grabe ka naman" kinamot kamot ko yung tenga ko.
"Marami kang ikukwento sakin" aniya.

Hayyy .. Naman ..

Nagbihis na ko ng disguise ko at umalis na kami.

Habang naglalakad kami papuntang restaurant, eh ayun, tanong ng tanong to si Mayi.

"Ano ba kasing nangyari sa caffeteria kanina? .. Kasama mo si Nathan di ba?"
"Wala .. Nang aasar kasi si kuya .. Nainis ako kaya nag walkout ako.. Naiwan ko tuloy si Nathan.."
"Ahh .. Sayang .. Wala kasi ako sa caffeteria kanina kasi pinagtataguan ko yung kumag na kaibigan ni Nathan.."
"Oo nga ehh .. Adik ka kasi.. "
"Eh bakit hindi mo suot suot yung disguise mo kanina? .. "
"Ah .. Yun ba .. Aha .. Tinanggal ko kasi kasama ko mga bunso kong kapatid kanina.. Medyo awkward lang kasi .. Nakita ko kasi sila nung lumabas ako ng campus.."
"Ahh .. Ang cu-cute naman pala nung mga kapatid mo .." ^__^
"Kaya kasama ko rin si kuya kanina.. Hinanap niya ako saka nag appologize.."
"Eh ayus din naman pala kuya mo .. Teka .. Bakit ba parang kilala ka ni Nathan nung makita ka niyang di naka disguise?"

Ayun lang! .. Natanong pa niya..

"Ahh .. Naalala mo yung pumasok ka na inihatid kita? .. Na hindi pa ko studyante dito? .. Dun niya ko unang nakita .. Ahehehe" palusot ko.
"Ahh .. Kaya pala .."

Nakarating na kami sa may Restaurant. At hindi parin matigil tong si Mayi kakatanong.

"Bakit nga pala nasa labas yun si Nathan?"
"Aba malay? .. "
"Hmm.. Baka hinanap karin kasi iniwan mo siya?"

Oo nga no? .. Hindi ko naisip yun? . Well .. Wag masyadong assuming .. Baka nagkataon lang..

"Impossible naman yun .. Bat naman niya ko hahanapin?"
"Hmm malay mo lang naman.."
"O siya siya siya.. Magtrabaho na nga lang tayo .."

Nag umpisa na kami mag work.

So far okay naman yung pagwo-work ko .. Walang namang buraot.

Sa dami ng nangyari kanina.. Wala na sanang dumagdag pa.

Pero expect the unexpected nga ehh ..

Habang nanahimik akong naglilinis ng table..

Bigla nalang may pumasok sa restaurant.

Ang ganda pa naman ng bati ko buset ..

"Welcome po sa VR resto-" nanlaki yung mata ko nang makita ko si Nathan.

Kasama yung sister niyang bruha.

Halata namang nagulat din siya.

Napansin ko na naka ngisi yung maldita niyang kapatid.

"So.. Magtitititigan nalang tayo dito?" Pagtataray nung bruha.
"Oh.. Sorry ma'am .. This way please.."

At dinala ko sila sa table nila.

Badtrip naman. Bakit ako pa nataong mag serve sa kanila?

"May I take your order sir?" I politely asked Nathan.
"I would like to have a .. "

Siyempre, sinulat ko na kung ano mang inorder nila.

"Gusto ko ikaw lang magseserve niyan alright?" Sabi naman nung bruha.
"Yes ma'am" sabi ko nalang.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon