chapter 39 [Letting Go]

3.7K 56 5
                                    

-Nathan's POV-

Mga ilang minuto narin yung nakalipas nang tawagan ako ni Mayi sa phone na nakidnap daw si Serene.

Hindi na ako mapakali pa.

Andito ako ngayon sa mansyon ng mga Vallente at kasama si Meirin.

Pumunta kaya ako sa head quarters.. Baka sakaling may magawa akong paraan para iligtas si Serene.

Although alam ko naman na ililigtas din naman na siya nila Chris pero hindi naman ako mapapalagay hanggat hindi ako nakakatanggap ng balita patungkol sa kanya.

"Meirin. Punta muna akong head quarters." Sabi ko kay Meirin na tahimik na umiinom ng tsaa.
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ni Meirin.
"May itatanong lang ako kay Mr. Vallente .About sa kalagayan ko" Pagsisinungaling ko.
"Ah ganun ba. Sama na ko" Sabi niya.
"Hindi na Meirin. Medyo madilim narin kasi sa labas. Mahirap na" Sabi ko naman.
"O sige .. Mag iingat ka" Sabi naman niya.

Agad agad naman akong lumabas at sumakay ng kotse.

Medyo malayo na yung destinasyon ng pansamantalang head quarters namin. Kaya naman aabutin ng isang oras din ang byahe.

Sana ay nailigtas na si Serene. Bago pa man may mangyaring masama sa kanya. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa babaeng bampira na yun. Masiyadong malakas ang negative aura niya.

Serene. Please be okay..

-Mayi's POV-

Pansamantala akong nakatulala ngayon sa may sala. Nagamot ko narin yung bite marks ko at nabendahan ko na ng maayos.

Medyo naibalik narin sakin yung lakas ko.

Hanggang ngayon ay nag aalala parin ako kay Serene. Asan na kaya sila Chris? Nailigtas ba nila siya? Pati ako ay nag aalala para sa kanila. Baka kung anong nangyari sa mag kakapatid na yun.

Napa buntong hininga nalang ako.

Hindi ko alam kung ano pang pwede kong gawin sa ngayon. Ang tanging nagagawa ko lang ngayon ay mag intay sa pag dating nila.

Natatakot ako at the same time kasi baka hindi na sila bumalik. Napapraning na ko!

Medyo naiiyak na naman ako kasi, nag aalala na talaga ako ng sobra para kay Serene. Kasi last time I saw her duguan siya at walang malay. Kailangan ko nalang din sigurong magtiwala kila Chris na maililigtas nila si Serene.

Makalipas ang ilang minutong pag iisip ko ay biglang tumunog yung cellphone ni Caithlyn. Nasira kasi yung phone ko pero number ko yung naka insert dito.

May isang mensahe na nakapag patulo na ng tuluyan sa luha ko.

-Nathan's POV-

Nakarating na ko sa may Head quarters namin at laking gulat ko sa mga nakita ko. Lumiliyab yung ibang parte ng building at marami naring bumbero ang nasa paligid. At yung ibang parte naman ay halatang may naganap na labanan.

Mukang winasak na nila Chris ang head quarters. Grabe tong ginawa nila.

Pero nailigtas kaya nila si Serene?

Kaya naman agad akong pumasok sa loob ng head quarters at nadatnan ko nalang don si Mr. Vallente. Kakatapos lang niya kausapin yung mga police kaya naman agad akong lumapit sa kanya.

Mukang nagulat din siya sa pag dating ko.

"What are you doing here Nathan?" He asked.
"Well. I was just going to ask you about my condition but, what happened here?" Painosente kong tanong.
"Those Van Renielle. They did this!" Nag iba na yung expression ni Mr. Vallente.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon