After story

5.7K 118 33
                                    

Author's narration:

Sila mayi at kryle ngayon ay sinubukang pumasok ulit sa school. Gustong makatapos ni Mayi and since part na siya ng family ni Serene, gusto niyang makapag work sa company nila.

Nang makasalubong nila sila Grent at Mileyna ay agad silang nagtanong kung ano nang nangyari kila Serene.

"Hi guys! .. Kamusta na kayo? Tagal niyo nawala? Hindi niyo tinapos yung last quarter umulit tuloy kayo" sabi ni Mileyna.

"Oo nga ehh.. Medyo nagkaroon ng personal problems" pagdadahilan naman ni Mayi.

"Huy .. Ano na balita kay Serene? Bat di niyo siya kasama?" Tanong ni Mileyna.

"Ah .. Ayun .. Nasa bahay lang. Ayaw nang mag aral. Mag wowork nalang daw siya." Sagot naman ni Mayi

"Eh si Nathan naman? May balita ba kayo sa kanya? Last time ang sabi niya mag sesettle down na sila ni Meirin? .. Totoo ba? Hindi na talaga siya nagparamdam eversince." Tanong naman ni Grent.

"Wala nga rin kaming balita eh. Baka nga nangimbang bansa na nga sila?" Sagot naman ni Mayi.

Kahit ang totoo niyan. Magkasama na ngayon sila Serene at Nathan. Samantalang nalugi na ang mga Vallente at nakulong si Mr. Vallente. Si Meirin naman sa sobrang kahihiyan at takot ay umalis na nang bansa at hindi na muling nagparamdam pa.

"Eh si Chris? May balita ba kayo sa kanya?" Bigla namang tanong ni Mileyna.

Napa look away si Kryle. Samantalang si Mayi naman ay hindi na alam ang sasabihin.

Natahimik sila saglit. Ngumit nagsalita bigla si Kryle.

"Nasa Europe na siya. Hindi na siya babalik dito. He decided to settle down there" pagdadahilan naman ni Kryle.

"Ay .. Ganun ba .. Mamimiss ko siya.. Especially yung ngiti niya." Malungkot na sabi ni Mileyna.

Napatingin naman sa kanya si Mayi at Kryle.

"Oo.. Kami din" sabay na sabi ni Kryle and Mayi.

Nagsimula nang mag ring ang bell at nagpaalam na sila sa isat isa.

++

Si Caithlyn naman. Binisita ang puntod ni Mr. Mel

"Sana ay okay ka na diyan" bulong ni Caithlyn.

Nadatnan naman ni Eliz na nagbibigay ng bulaklak si Caithlyn sa puntod ni Mel.

"Caithlyn?" pagtataka niyang tanong.

"Hi ate Eliz" simpleng bati naman ni Caithlyn.

"Bakit mo dinadalaw si kuya?" Tanong naman ni Eliz.

"Hmm.. Wala naman .. "

"Hindi ka ba .. Nagagalit sa ginawa niya?"

Umiling si Caithlyn.

"Alam ko naman na mabuti si Mr. Mel. At labag sa kalooban niya ang nangyari." Sabi naman ni Caithlyn sa kanya.

Medyo nangingiyak na si Eliz. Lumapit ito at niyakap si Caithlyn.

"I'm sorry Caithlyn. Sa nagawa namin sa family mo.. "

"Wag mo nang sisihin ang sarili mo ate. Alam ko naman na hindi niyo ginusto yung nangyari. Parehas tayong nawalan. Parehas tayong nasaktan sa mga nangyari. Pero walang may kagustuhan ng sinuman satin ang nangyari. Kaya naiintindihan ko. Kaya wag ka na po umiyak."

Pero lalo lamang na naiyak si Eliz sa sinabi ni Caithlyn sa kanya. At niyakap siya nito ng mahigpit.

Yumakap naman siya pabalik kay Eliz.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon