Chapter 34 [Nathan's Distress]

3.9K 53 4
                                    

-Serene's POV-

Pag mulat ko ng mata ko. Nasa kama na pala ako. Mukang binuhat ako ni kuya at inilagay dito sa kama. Nakatulog ata ako habang nakasandal ako sa kanya.

Nagdecide akong bumaba para mag agahan. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, nagulat ako nang makita ko si Mayi sa harap ng pintuan.

"Oh bakit?" Tanong ko.
"Ah .. Kakatukin sana kita para kumain." Sabi niya sabay ngiti.

Hinawakan ko nalang yung kamay ni Mayi at bumaba na kami.

Hindi ko alam pero ayoko munang mag isip about sa mga nangyari kagabi.

My mind is blank.

-Mayi's POV-

Alam kong hindi parin ganun kaayos ang nararamdaman ni Serene. After what she saw last night. Kahit naman ako na shock. Si Serene pa kaya?

Hinawakan ni Serene yung kamay ko at sabay kaming bumaba ng hagdan.

I held it tight.

Tumingin siya sakin pero nginitian ko lang siya.

Ngumiti naman siya pabalik.

Pero may halong lungkot parin yung mga mata niya.

Pumasok kami sa kusina at agad na naupo si Serene sa upuan at tinabihan si Caithlyn.

"Asan na si kuya?" Tanong agad ni Serene.

Speaking of Chris.. Oo nga no? .. Hindi ko din siya napansin kanina pag gising ko?

"Wala ba sa kwarto niya?" Tanong ko naman sabay tingin kay Kryle.
"Actually, I've been in his room.. He's not there." Sabi naman ni Kryle.
"Asan na kaya yun?" Malungkot naman na sabi ni Serene.
"Baka naman may binili or inasikaso lang?" Sabi ko nalang.

Inasikaso ko nalang yung pag kain namin at nag start na kaming kumain.

Napaka tahimik.

Napansin ko si Kryle, he was glancing at me then to Serene.

I think hindi rin niya alam kung anong pwedeng sabihin to cheer up Serene.

Hay grabe!

Hindi ko na matagalan ang katahimikan. Hindi ako sanay na ganito sila.

"Uhm Serene .. Gusto mo bang maglakwatsa.?" Sabi ko

Napatingin silang tatlo sakin.

"Uhm .. Kasi .. Para marelax lang.. Pero kung ayaw niyo okay lang-"
"Sige" nainterrupt ako nang sumagot si Serene.
"Saan naman tayo pupunta?" Sabi naman ni Kryle.

Oo nga naman .. San ba kami pupunta? Suggest ako ng suggest hindi ko naman pinag iisipan..

Adik din eh?

Napaisip tuloy ako.

"Punta tayong beach" sabi ni Serene.

Beach?

Nagtaka akong tumingin kay Serene

"Beach? As in now na? Gusto mo magswimming?" Tanong ko.
"Hindi.. Gusto ko lang maglakad lakad. After nun uuwi din tayo ngayon."
"Ah so . Gusto mo lang maglalakad lakad sa sea side .. To relax your mind.." I stated.
"Tara." Aya naman ni Kryle.
"Eh si kuya?" Tanong naman ni Caithlyn.
"Text nalang siya. " Sabi naman ni Serene.

Mas maganda narin sigurong idea to. Para hindi naman ma stock si Serene sa kwarto niya.

Hayy. Sana may paraan pa para makuha na niya si Nathan.

-Nathan's POV-

Nandito ako ngayon sa may hagdanan, naka upo at nananahimik.

Hindi ako nakatulog. Buong maghapon lang ako nakatingin sa kawalan habang patuloy ko paring iniisip ang mga nangyari at ang mga sinabi sakin ni Mr. Vallente.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon