chapter 41 [Danger]

3.5K 55 1
                                    

-Mayi's POV-

Natatakot na talaga ako. Knowing na, pwede akong patayin nitong lalaking to anytime he wants.

"You'll be coming with me.." He said and grabbed my arm at kinaladkad ako.

Grabe yung pagkakahawak niya. Mas mahigpit pa sa hawak nung mama kanina. Nasasaktan na ko.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ang pinasukan namin, yung iskinitang pinasukan ni Mr. Mel kanina. At meron pa kaming ibang iskinitang pinasukan.

Hanggang sa makarating kami sa isang establishment na napaka raming tao..

Wait, hindi sila tao.. Kundi mga bampira.

Ano ba kasi tong lugar na to? Parang night club?? .. Halos parang puro ka-edaran ni Chris yung mga bampira dito.

Hindi pa kami nakakapasok sa loob ng batiin ng isang babae yung lalaking nakahawak sakin.

"Oh Michael? .. Sino naman yang tangay tangay mo?" Tanong nung babaeng matangkad at medyo curly yung buhok. Muka siyang mayaman.

Parang halos lahat naman ata ng mga bampira mayayaman ehh ..

"Bagong recruit.." Sabi nung Michael, yung mamang makahawak sa braso ko wagas.

Anong bagong recruit?! .. Hala! Hindi ko gustong magtrabaho sa ganitong lugar!! ..

Na shock tuloy ako sa sinabi niya.

Ngumisi yung babae tapos hinawakan pa ko sa muka.

"Pwede na.. " Sabi niya.

Tapos nun ay kinaladkad na ko papasok nitong mamang to sa loob ng club.

Packing tape namang buhay to.

Bakit ba ang sama sama ng araw ko ngayon?! ..

Sa loob, napaka daming bampira. Nakaka suffocate. Halo halong amoy yung nasa paligid. Alchohol, sigarilyo.. Ay ewan!

Tapos may nakita pa kong nakakahilakbot.

May isang waitress na lumapit sa isang bampira 

And that guy bit that waitress..

Teka.. Eto ba yung magiging trabaho ko dito?! ..

"Aba Michael.. Ang cute naman niyang kasama mo.." Sabi nung isang lalaking may hawak na alak na nakasalubong namin.

Am I going to take that as a compliment?

"Pwede bang ma try??" Dag dag pa niya at titig na titig pa siya sakin.
"Try mo muka mo!!" Asar kong sabi.

 Nasagot ko pa siya kahit takot na takot na ko sa kalagayan ko ngayon.

At tinawanan lang niya ko.

Great.. Komedyante pala ako sa paningin ng mga bampirang to. May nakakatawa ba lagi sa mga sinasabi ko?

"Aba.. Nakakatuwa naman pala tong recruit mo" sabi pa nitong lalaking amoy alak na to.
"Mamaya ka na Faust.. Sasabihin ko pa to kay boss ehh.." Sabi naman nitong Michael na to.
"Ah .. O sige .. Basta after mong ipa-alam yan kay boss.. Punta ka sa table namin .. Sama mo yang cute na yan.." Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. 

Sipain ko muka mo diyan ehh.

Nakakainis na tong mga to..

Bakit ba kasi ako pumasok pasok pa sa iskinitang yun?! Napaka laki kong tanga.

At mukang forever na kong magiging vampire slave dito sa night club na to.

Kung andito lang si Serene.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon