chapter 40 [Questions]

3.3K 53 1
                                    

-Mayi's POV-

Isang linggo narin ang nakakaraan nang iwan ako nila Serene at hanggang ngayon, ay hindi ko parin nakaka-usap ni isa sa kanila.

Nangako kasi si Kryle na once na nagising na si Serene, hahayaan niyang makapag paalam kami ng pormal sa isa't isa.

Pero bakit hanggang ngayon ni tawag wala?.

Hayy..

Back to reality na ulit ako. After ng two days kong pag iyak ay kinailangan ko nang pumasok nang dahil narin sa nagtext na yung guidance sakin nang dahil sa pag absent ko.

Lagi kong iniiwasan at pinagtataguan sila Mileyna tuwing makikita ko silang paparating kasi hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung paano ko palulusutan ang pagka wala nila Serene.

Mukang naging malaking issue yung pagka wala nila Chris, Kryle at Caithlyn since sila ang laging topic ng mga classmates at schoolmates ko. Nagtataka sila kung bakit hindi sila pumapasok. Although nababanggit nila si Serene pero lagi nalang negative comments ang naririnig ko.

May mga lumalapit sakin para magtanong pero nilalayasan ko sila.

Kaya din naman ako nakaka pasok pa sa school na to since settled na lahat ng school fees ko nang dahil narin kay Chris.

Siguro ay inayos niya yun bago pa man sila magtago.

Kailangan ko narin mag hanap ng trabaho since wala narin naman nang sumusuporta ng everyday expenses ko. Buti nalang ay may naitabi pa kong ipon ko kaya naman nakaka survive pa naman ako.

Papunta na kong school. Tahimik lang na naglalakad.

Kagaya ng parati kong ginagawa. Nung mag isa pa ko.

Now that Serene is not with me. Parang napaka lungkot ng paligid.

Nag umpisa nang umambon at buti nalang ay may dala akong payong. Kaagad ko itong binuksan para hindi na ko mabasa ng ulan.

Maya maya pa ay may pumaradang kotseng itim sa tabi ko. Hindi ko nalang pinansin at tuloy tuloy ako sa paglalakad.

Nang malampasan ko na to, may biglang humawak sa kamay ko.

Nagulat ako siyempre, at napatingin sa kung sino man ang may gawa nun.

Nanlaki yung mata ko kung sino yun.

"Nathan?!" Sigaw ko.

Para namang men in black tong si Nathan. Naka suit na itim, just like those bounty hunters dun sa party.

"May mga sasabihin at itatanong lang ako." Sabi niya.
"May pasok pa ko.." Sabi ko naman sabay hila sa kamay ko pero hindi niya binitawan.

Hindi kasi maganda pakiramdam ko sa mga mangyayari.

"Please.." He said sabay hila sakin.

Hindi pa ko umo-oo hinila na ko.

Dinala niya ko sa isang Café. At naupo sa pinaka dulo, sa may tabi ng glass window. Wala din tao nun kundi kami lang at yung cashier.

"Ano ba kasi yon Nathan?" Tanong ko.
"What do you know about Serene" Nathan asked.
"Bakit mo naman gustong malaman?" Sabi ko naman.

Wait .. Bakit ba napaka seryoso ni Nathan and bakit ba niya ko tinatanong about kay Serene? Hindi ba't desisyon niya na hindi na malaman pa ang nakaraan niya.

"I just wanted to confirm something" he said.
"Akala ko ba ayaw mong malaman ang nakaraan mo? Tapos ngayon tinatanong mo ko about kay Serene"
"I'm asking about Serene .. Not about me"
"Eh parte ka nga ng pagkatao ni Serene"
"Paano mo ba siya nakilala?"

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon