[Author: WAHHH !! .. HAPPY 21 K plus or almost 22 K reads!! .. woohh .. thank you sa mga nagbabasa .. :D .. eylebyegeeyyysss .. *o*]
-Mayi's POV-
Andito ako ngayon sa may kwarto ko. Hindi ako makatulog. Ramdam ko kasi na may tension sa baba. At kanina ay napaka ingay at mukang may labanan na naganap.
Pero hindi naman ako makalabas since instructed nga sakin na hindi ako pwedeng lumabas kahit anong mangyari.
Badtrip. Nagwoworry ako kay Serene.
Hindi na talaga ako maka tiis! .. Kaya naman lumabas na ko ng kwarto at sakto naman na nasa hallway na sila Serene at papunta na sila sa kwarto niya. Kasama niya si Eliz at nakaalalay lang to sa kanya.
Wait. Bakit umiiyak si Serene? May nangyari ba?
Agad akong lumapit sa kanila at hinawakan ko sa braso si Serene. Nag aalala na talaga ako sa kanya.
"Bakit be? Anong nangyari?" Agad kong tanong.
Lalong lang umiyak si Serene at niyakap ako. Niyakap ko nalang siya pabalik at hindi na nagtanong. Mukang hindi pa niya kayang magkwento sa nangyari sa kanya.
Napatingin naman ako kay Eliz at nagsenyas na siya nalang ang magkukwento sakin.
Ipinasok na namin si Serene sa kwarto niya. Naupo lang siya sa kama niya at patuloy parin sa pag iyak.
Hindi ko alam kung paano ko paglulubagin yung loob niya since wala nga akong idea sa nangyari sa kanya. Ayaw din naman niyang magsalita about dun.
Maya maya pa ay pinunasan ni Serene yung mga luha niya at tumitig samin.
For some reasons, iba na yung aura niya.
"Pwede bang iwan niyo muna akong mag isa. Gusto ko lang mapag isa sa ngayon.. " Request niya.
Nagkatinginan lang kami ni Eliz at nag nod nalang. Mukang gusto munang mapag isa ni Serene at pag isipan yung nangyari sa kaya.
Lumabas na kami ni Eliz sa kwarto ni Serene. Agad kong hinarap si Eliz para alamin yung nangyari.
"Ano bang nangyari? .. At bakit ba kanina may nararamdaman akong tension sa baba?" Agad kong tanong.
"Pasok muna tayo sa kwarto mo at dun tayo mag usap.. Siguradong masa-shock ka sa pangyayari" sabi niya.Agad kaming pumasok sa kwarto ko at naupo sa kama. Si Eliz ay napabuntong hininga at mukang seryoso yung expression niya.
Bigla niyang nilagay yung palad niya sa noo ko. Then she shared some of her memories to me. Agad kong nalaman yung mga pangyayari kanina.
At talaga namang nakaka shock siya.
"Shete.. Grabe naman..!"
"Nakaka shock right? Kaya nga umiiyak ngayon si Serene since sinisisi na naman niya yung sarili niya nang dahil sa nangyari"
"Kawawa naman si Serene.. Sa lahat ng mapupuruhan niya eh yung mama pa niya. Napaka bigat na naman sa loob niya yung nangyari"
"Kaya nga ehh.. Ang dami na nga niyang pinag dadaanan may ganito pang pangyayaring hindi inaasahan"Napabuntong hininga nalang kami ni Eliz. At nalulungkot din ako sa nangyari. Kasi alam kong mahal na mahal ni Serene yung parents niya at ganito pa yung nangyari sa kanila.
Hayy Serene.. Paano ba kita matutungan?
-Nathan's POV-
"Huy Nathan.. Ready ka na ba?" Sabi ni Janiz sabay tapik sa braso ko.
"Oo naman.." Sabi ko nalang.Andito kasi kami sa may conference room ng association. Andito sila Mr. Vallente, yung iba pang admins, si admin Carl na father ni Janiz, yung mga top ranked bounty hunters at pati narin tong asungot na si Reynold.
BINABASA MO ANG
Serene (Completed)
VampireSi Serene ay isang vampire royalty na nainlove sa isang mortal. Pero, nang dahil sa isang aksidente, ay nagbago ang lahat Her one and only love lost his memory at nagkahiwalay sila. And beacuse of that incident, marami ang nadamay at marami ang nagi...