Chapter 60 [I Finally Have You]

4.8K 77 8
                                    

Chapter 60 [I finally have you]

-Serene's POV-

Hindi ko na talaga kinaya pa at umalis na ko. Hindi ko na kayang tingnan pa si kuya. Kahit na alam kong may dumating na hindi kaaya ayang nilalang ay hindi ko nalang inintindi.

Gusto kong mapag isa.

Gusto kong isigaw to.

Gusto kong magwala.

Pero hindi na kinakaya pa ng katawan ko ang nangyayari sakin ngayon.

My eyes wanted to close. At nanginginig narin ang mga paa ko at mukang any moment ay babagsak na ko.

Bigla nalang nagblurred ang paningin ko. 

Magba-black out na ko.

-Nathan's POV-

Kaagad kong napansin na umalis si Serene habang may tensyon na nagaganap between sa father niya at sa bampirang yun. Kaagad ko siyang sinundan at nang makita ko siya, malapit na siyang bumagsak sa kinatatayuan niya.

Sinalo ko siya kaagad at binuhat. 

Hindi ko alam kung saan niya nais pumunta.

Wala narin siyang malay pero patuloy parin ang pagluha niya.

Masiyado nang maraming nangyari sa mga buhay namin. 

Kakaunti palang ang naaalala ko pero gusto kong maalala. Lahat ng nangyari noon, paano kami nagkakilala, at kung ano ba talaga siya sa buhay ko.

Nagsisisi din ako kasi, kung nakinig lang ako sa kanya at kung nagtiwala ako sa kanya, hindi sana to mangyayari. Hindi sana namatay ang kapatid niya at wala sanang ritual na naganap.

Gusto kong bumawi sa kanya pero hindi ko alam kung papano ako magsisimula.

Buhat buhat ko lang siya. Aimlessly walking towards the association's exit.

Isa lang ang nasa isip kong pwede naming puntahan.

I hope that I could at least, ease her pain. 

I'm sorry Serene.

-Mayi's POV-

"Asan na si Serene?" Agad kong tanong nang mapansin kong wala siya.

Agad na luminga linga si Kryle at pinagmamasdan ang buong paligid pero hindi rin niya makita si Serene.

"Lumabas ata si ate Serene.. Should we follow her?" Caithlyn said while her voice trembles. 

Umiiyak parin siya kasi hanggang ngayon.

"No.. We should let her.. I think it's best if we just let them be.." Lady Coleen said at medyo umiiyak parin siya.
"Them?" I suddenly asked.
"I think Nathan followed her" Kryle suddenly said to me.

Wait.. Sinundan siya ni Nathan.?

Sa palagay ko ay magiging okay naman na siguro si Serene? Hindi ko kasi alam kung anong nangyari. But I think lady Coleen is trusting Nathan to handle Serene.

Hayy.. Ang bigat parin ng atmosphere. Hanggang ngayon ay naiiyak parin ako sa nangyari. Seeing Chris like this, parang nanaginip lang ako.

Si Caithlyn ay umiiyak parin. Si Kryle ay tumigil na pero alam kong kinikimkim lang niya yung mga nangyayari. 

Si lady Coleen ay napigilan na ang luha niya at pinunasan na ang mga mata niya. Tumayo narin siya at nilapitan si master Charles. Alam niya rin siguro na kinikimkim lang din ng asawa niya ang lahat ng to. Especially sa nangyari ngayon kay Chris, masakit din to para sa kanya.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon