chapter 24 [Kryle's first day]

4K 61 0
                                    

-Serene's POV-

Nag-alarm na yung alarm clock ko. Syempre, pasok na naman sa school.

Pero kapag naiisip ko yung nangyari kahapon, parang ayoko nang pumasok. Hindi ko kasi alam kung papasok pa ba si Nathan. At hindi ko rin naman siya kayang makita. Kasi, maiisip ko na naman na ikakasal na siya.

Pero hindi naman niya kasalanan yun diba? ..

Hayy.. Aga aga ang lungkot lungkot ko..

Lumabas ako ng kwarto para gisingin si Mayi pero..

Isang sulat ang bumungad sakin. Nakalagay sa pintuan niya. At naka red ink pa.

"Nauna na kong pumasok.. Nagtatampo parin ako sa pang-aasar niyo sakin ni Chris.. "

Hala.. May ganitong drama?? ..

Loko naman tong si Mayi.. Nagtampururut pa. Mukang papasok ako mag isa ah?? .. Shemay..

Bumalik ako sa kwarto ko at nagbihis na .. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si kuya, pababa na ng hagdanan.

"Sabay ako sayo kuya.."

"Asan na yung isa?"

"Iniwan ako.. Nagtatampo parin sa nangyari kahapon"

Tinawanan pa ako.. Loko talaga to.

"Sige tawa.." Asar kong sabi.

"O siya.. Tara .."

At umalis na kami ng bahay.

--

Dumating na kami ng school. As usual kumpulan mga fan girls ni kuya. Paglabas ko ng kotse, dinedma ko nalang sila at patakbong pumunta sa west building.

Habang naglalakad naman ako sa corridor papuntang classroom ko, nagbubulungan na naman yung mga studyante.

Yung totoo? .. Pamilya ba sila ng mga bubuyog?

Siyempre, dahil may pagka chismosa din ako, ay pasimple akong nakinig sa mga usapan nila. Using my special ability in hearing. Pasimpleng tambay mode muna sa may tapat ng bintana.

"Grabe.. Ikakasal na pala si Nathan.." Sabi nung isa.

Hala? .. Alam agad nila?

"Oo nga ehh.. Nakaka sad tuloy.. Mababawasan ang mga prince natin."

"Nakakainggit naman si Meirin.. Ang swerte niya"

"Oo nga .. Mas maigi nang mapunta siya kay Meirin kesa sa mga losers sa tabi tabi diyan"

Ah sige .. Parinig pa..

"Agree ako diyan gurl.."

Maya maya pa ay may dumagdag sa mga chismosa.

"Huy guys.. Nabalitaan niyo ba?"

"Ang alin?"

"May bago tayong schoolmate na transferee!!" With matching kilig to the bones tone.

Landi mode.. Wait .. May transferee in the middle of the school year? Ayus trip nun ah?

"Oh eh ano ngayon?"

"Gwapo siya te!!.. "

"Weh? .. Di nga?!"

"Oo!! .. Nakita ko siya kanina!! .. Kasing gwapo niya si Prince Chris.."

"Wow naman! .. Mababawasan man ngayon tayo ng isang prince .. May dadagdag naman!!"

"Oo gurl .. Nako .. Kung makita niyo siya.. Nakaka inlove.."

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon