Kinabukasan, ginising ko ng maaga ang mga kaptid ko.
May pasok kasi kami ni Mayi sa school.
"Kryle .. Caithlyn .. Gising na.."
"Hmm .. Ayoko pa .." Reklamo no Kryle.Pero si Caithlyn agad na bumangon.
"Kryle sige na .. Hahatid ko pa kayo sa bahay .. May pasok pa kasi ako.."
"Tawagan mo muna si kuya.."
"Wala akong cellphone.."At may kinuha si Kryle sa bulsa niya. Cellphone niya.
"Kaw na may cellphone.."
At dinial ko na yung number ni kuya..
Riinngg..
Rinnggg..
Tae .. Tagal sagutin ..
Patuloy lang yung ring ng phone niya.
No choice.. Kundi palihim na umuwi.
At inalog alog ko ulit si Kryle..
"Kryle!! .. Gising na!! .."
Inalog alog ko siya.. Hanggang sa mapilitan siyang bumangon. Grabe.. Yung aura niya nakakatakot.
Note to self.. Wag piliting gisingin si Kryle.
Maaga kaming umalis ng mga kapatid ko habang si Mayi ay tulog parin.
Mamaya na siguro ako mag di-disguise
Nag taxi lang kami papunta sa bahay namin.
Kanina ko pa kinokontak si kuya.. Pero ayaw niya paring sumagot.. Tshh .. Nambababae na naman siguro yun?
Pagkadating na pagkadating namin sa bahay, yung mga servants namin ay naka abang sa may gate namin. Hindi ako lumalabas ng taxi
"Ah .. Kryle and Caithlyn .. Hindi ko na kayo maihahatid sa loob ah? .. Kasi .. Alam niyo na .. Ayoko pang umuwi.. At isa pa.. Hahanapin ko nalang si kuya sa school at papauwiin ko narin.. Bye bye na mga bunso .." At niyakap ko silang dalawa
"Okay lang ate.. Ingat ka.." Sabi ni Caithlyn.
"Bye ate.." Sabi naman ni Kryle at lumabas na sila ng taxi.Dali dali ko nang pinaalis yung taxi. Nararamdaman ko nang may mga umaaligid ehh.. Habang nag aayos ako ng disguise ko sa loob ng taxi.
Anak naman talaga ng talaba .. Ang kukulit nila.. Sinundan pa talaga ako ng mga tauhan ni dad. Kainis..
"Manong .. Eto na po bayad ko ohh.."
"Teka iha baba ka na-"Hindi ko na pinatapos yung manong drayber at tumalon na ko sa may taxi niya.
Shock si manong malamang at huminto. Siyempre, nakita niya akong naglanding ng ayos.
At tumakbo ako ulit. XD ang bagal kasi niya ehh .. Aabutan kami nang sasakyan nung mga yun
Hindi ko na inintindi si manong at patuloy na tumakbo ng mabilis. Pero .. Ayaw talaga nila ako tigilan.. T_T..
Nacorner ako..
Napa stop ako nang humarang na yung more than 5 na naka suit na servants ni papa. Para silang men in black. Tapos yung kotse humarang na sa may likod ko. At bumaba narin yung mga sakay nun.
"What do you want?!" Sigaw ko.
"Your highness.. Please go back to the mansion" sabi nung isa.
"Ayoko.. " At nagcross arms ako.Di na sila kumibo.. Pero.. . . . . . Tinutukan nila ako ng baril..
Wow.. Is that how you treat your master? Imba ha? Well.. Hindi naman yun ordinaring baril. Anti-vampire weapon siya. Silver bullets kasi yung gamit kaya fatal kapag tumama sa mga kagaya namin.
BINABASA MO ANG
Serene (Completed)
VampireSi Serene ay isang vampire royalty na nainlove sa isang mortal. Pero, nang dahil sa isang aksidente, ay nagbago ang lahat Her one and only love lost his memory at nagkahiwalay sila. And beacuse of that incident, marami ang nadamay at marami ang nagi...