[a/n: sorry guys kung maiksi tong chapter na to .. super busy ehh .. :(( .. try ko nalang iupdate agad yung mga next part .. ang haba pag tinype .. T_T]
alam niyo yung umaga na pero ayaw mo nang magising? kasi alam mo na ngayon yung araw ng engagement party ng mahal mo?
yes, tanghali na ako gumising. di kasi ako nakatulog kagabi ng maayos. And since wala namang pasok, kaya okay lang na magpuyat at late na magising.
Pero ayoko pa talagang bumangon. Nakakatamad na ewan. Naupo nalang ako sa kama at tumulala saglit.
Maya maya pa ay may kumatok na sa pinto ng kwarto ko.
“pasok lang bukas yan” sabi ko nalang.
Si kuya pala.
Anung oras kaya to umuwi kagabi?
Naupo si kuya sa tabi ko.
“oh? Baket?”
“akala ko nagbigti ka na eh”
“nagbigti mo your face. San ka nga pala galing kagabi?”
“secret” sabay higa sa kama ko.
“pa secret secret ka pa diyan. Nambabae ka lang eh” pang aasar ko.At nagkaroon ng saglit na katahimikan.
“pano ba yan. I-eengage na siya” biglang sabi ni kuya.
“oo nga ehh” sabi ko nalang
“eh di handa ka ng kalimutan siya?”
“hindi”
“hindi ka talaga marunong mag move on no??”
“parang ang dali naman gawin nun.. palibhasa hindi ka pa nakakahanap ng katapat mo.. kaya ang dali mong sabihin ang move on”Bigla siyang tumayo at tiningnan ako.
“oh so ano nang balak mo? Ipapahamak mo na naman sarili mo?”
“wala na nga akong ibang maisip na paraan eh? Kahit nga ang ipahamak ko ang sarili ko hindi ko na magawa, since ayaw niya.”
“eh tanga ka pala eh.. sino ba naman ang may gusto na mapahamak ka?”
“hay !! .. hindi ko alam!!”At nahiga nalang ulit ako sa kama ko.
“gusto ko ng mag evaporate” sabay buntong hininga ko.
“di bale.. engagement palang naman eh .. pwede mo pang sulutin”Loko talaga tong si kuya. Natawa nalang ako.
“loko. Sana nga makuha ko na siya bago pa man umuwi sila papa”
“sus .. kahit nakuha mo na siya.. kapag si papa ang nagdecide na paghiwalayin ulit kayo.. wala kang magagawa”
“hindi na .. hindi ko na hahayaan na mangyari ulit yun”
“oh siya.. magprepare ka na .. engagement party na ng mahal mo” sabay tayo at alis.Letche talaga tong si kuya. Mapang asar.
“ang sama talaga ng ugali neto!! Maaga pa ! excited ka masiyado!” sigaw ko sabay bato ng unan sa kanya.
Saying lang .. hindi siya tinamaan. Nakalabas siya kaagad ng pinto.
“buset to.” Inis kong sabi sabay pout.
Matulog kaya ako ulit? Para hindi naman masyadong mahaba haba tong pagdurusa ko.
Kaya nga nahiga ako ulit. Kaso, buglang may kumatok na naman sa pinto ko.
“ate!! Kakain na daw tayo!” sigaw ni Kryle
“sige susunod na ko”Oh well.. mukang hindi matutuloy tulog ko.
Maya maya pa ay bumaba na ko at dumiretso sa dining area para kumain.
Nakita ko si Mayi, siya yung nagpe-prepare ng food.
Ang taray ni Mayi. Siya na pala ngayon ang bago naming cook??
“hoy kuya .. ginawa mo namang katulong si Mayi? Kuha kuha din ng maid pag may time” pang aasar ko kay kuya.
“aba .. nagrequest ka pa ng katulong? Sige , maghanap ka ng bampirang maid sa labas na trustworthy” asarna sabi ni kuyaNag pout nalang ako sabay upo.
“okay lang Serene. Ayoko naman maging freeloader no.” sabi naman ni Mayi at naupo na sa tabi ko.
“okay .. sabi mo eh”At nag start na kaming kumain.
Habang nananahimik akong kumakain, napansin ko na nakatingin silang lahat sakin.
“maka-tingin kayo wagas?” sabi ko.
“okay ka lang ba friend? Gusto mo bang umiyak? Gusto mo bang magwala? Sige lang okay lang yan” sabi ni Mayi
“wag nga kayong OA diyan.. ” sambit ko
“ate .. baka naman sa engagement party ni Nathan ka mag hysterical? Kung ako sayo dito ka na mag wala” sabi naman ni kryleHindi ko alam kung nang-aasar ba tong si Kryle or sadyang concern lang?
“mga baliw.. hindi ako iiyak no”
Eh bakit ba ? ayoko umiyak eh !
Ayokong umiyak..
.
.
.
.
.
Ayoko ..
Pero alam mo yung feeling na hindi mo na mapigilan yung pagtulo ng luha mo?
Naiyak na ko.. kusa nang tumulo yung luha ko. Hindi ko na napigilan pa.
“hay!! Bwisit!” hinampas hampas ko yung pisngi ko sabay punas ng luha ko.
Habang sila nakatingin lang.
“okay lang yan Serene .. iiyak mo lang yan” pagcocomfort sakin ni Mayi.
Lumapit naman sakin si Caithlyn at niyakap ako.
Si kuya naman lumabas. Tingin ko nag iisip na naman yun. Ayaw din kasi nun a nagkakaganito ako.
Grabe. Mala waterfalls yung luha ko. Ayaw tumigil. Si Kryle naman tumapat sakin may hawak na kutsarang may kanin at ulam.
“say ah” sabi niya.
Ako naman .. ngumanga at sinubo yung kanin at ulam.. muntanga parang bata.
“hindi naman ako baldado para pakainin mo” sabi ko.
”eh trip ko eh.. bakit ba” sabi naman ni Kryle.Natawa nalang ako. Para akong tanga, iyak tawa.
Kaya labs na labs ko tong mga to eh. Lagi nalang nilang pinapagaan yung loob ko.
Mataois namin kumain, bumalik ulit ako sa kwarto ko. Ewan ko ba. Mas gusto kong mag stay sa kwarto ko at mag muni muni muna.
Hindi ko kasi alam kung ano bang mangyayari mamaya.
Nabibitter ako
-to be continued-
BINABASA MO ANG
Serene (Completed)
VampireSi Serene ay isang vampire royalty na nainlove sa isang mortal. Pero, nang dahil sa isang aksidente, ay nagbago ang lahat Her one and only love lost his memory at nagkahiwalay sila. And beacuse of that incident, marami ang nadamay at marami ang nagi...