chapter 9 [My Instincts]

5.6K 85 2
                                    

Kinabukasan, pumasok na naman kami ng school. Siyempre di parin ako maka move on sa nangyari.

Halo halo yung emotion ko ehh .. Alam mo yung masaya ka kasi nakasama mo siya .. At the same time nalulungkot ka sa mga nangyayari sa kanya. Dahil hanggang ngayon ay wala parin siyang kaalam alam sa kung ano at sino ba siya.

Uwaaahh .. Kasalanan ko tong lahat ehh .. Hayy..

"Hoy! .. Anong iniisip mo diyan!" Sabay tapik sakin ni Mayi sa braso.

Naglalakad kasi kami ngayon sa may quadrangle. Kwento siya ng kwento kaso, eto ako lumilipad and utak.

"Ah .. Wala .. Iniisip ko lang kung kelan darating prince charming ko.." Sabay tawa.
"Hala .. Mag daydream ba? .. Kain ka ng corneto ha? .. Kaloka to .."

Pagpasok namin ng classroom, ayun.. Ang iingay ng mga studyante kala mo nasa elementary school kami. Pero talagang ang una kong nakita eh si Nathan, nakikipag usap dun sa loka loka niyang kapatid.

Pag nakikita ko siya.. Naaalala ko yung ginawa niya sa resto.. Nasisira araw ko.

Naupo na ko sa upuan ko, which is sa may tabi ni Nathan. Nakita kong sumimangot yung muka ni bruha.. Nag roll pa ng eyes .. Sabay walkout ..Bwisit .. Biktimahin ko kaya to?? Nang madala? ..

Napatingin ako kay Nathan. Ang laki ng ngiti ng mokong.

"Oh? .. Anong ngiti yan?" Tanong ko.
"Ah wala .. Ang ganda lang ng araw ko kahapon.."
"Oh? .. Bakit naman?" Sabay pangalumbaba ko.
"Nakita ko siya.."
"Sino?"
"Si Serene.."
"Ako?"
"Hindi ikaw .. Serene yung pangalan nung nakita kong kakaibang babae.."
"Ah .. Yung kinukwento mo sakin.."
"Oo .. Siya nga .."
"Wow naman .. O tapos .. Anong nangyari?"
"Basta .. Ang daming nangyari .. Sana makita ko siya ulit .." Sabi nalang niya at kinuha na niya libro niya.

Aww .. ako din naman masaya ehh .. Haha .. Landi mode lang?

Nag start na kaming mag klase. Grabe, kapag tinititigan ko si Nathan, maaliwalas yung aura niya. Very good mood ang mokong. Nakita na naman niya akong nakatingin sa kanya. At nag pogi pose na naman ang loko. Batuhin ko kaya to ng libro? ..

"Pwedeng sumuka?" Pang aasar ko
"Sira ulo .. Bakit ba ang hilig mong tumitig?"
"Hindi ba pwedeng napatingin lang ako sayo? .. Kaloka to .. "

At sinitsitan kami si sir sabay tingin ng masama. Nag flinch kaming dalawa. Nakakatakot si sir.

After class, inaya ako ni Nathan na kumain kami.

Wait .. Nakalimutan na ba niya yung nangyari nung nakaraan? .. Wag na sanang umepal pa ulit si kuya ..

"Mayi .. Ano baon natin?" Tanong ko.
"Hmm.. Adoboo .." Sabay ngiti niya.
"Naks .. ! .. Mah favorite!"
"Pahingi ako ahh .." Sabay sabi ni Nathan.
"Osige ba . Basta pashare din sa baon mo.." To talagang si Mayi..
"Sure.. Hanap na kayong table.. Oorder lang ako ng pagkain.."

At umupo na kami somewhere sa canteen.

"Huy nga pala .. San ka nagpunta kahapon?" Sabay tanong ni Mayi.
"Ah- ano .. May pinuntahan lang Bakit?"
"Ahh .. Wala ka kasi sa bahay nung umuwi ako saglit.."
"Ay ganun? .. Nung umuwi ka kahapon tulog na ko ehh .. Tagal mo umuwi .."
"Oo nga ehh .. Dami ko kasing tinuruan .."
"Ang sipag mo talaga .. ! .. Elibs na talaga ako sayo!"
"Sira .." Sabay tawa niya.

At dumating na si Nathan. Mukang masarap yung mga pagkaing binili niya.

"Wow.. Ang sarap naman niyann .." Sabi ni Mayi with matching sparkling eyes and she's drooling.
"Laway mo tumutulo.." Pang aasar ko kay Mayi.

Nag start na kaming kumain. Si Mayi ang takaw samantalang ako mahinahon lang na kumakain. Napansin ko na nakatingin naman sakin ngayon si Nathan..

"Oh .. Kaw naman nakatitig? .. Nagagandahan ka sakin no?" Pang aasar ko sabay tawa.
"Oo .." Sabi niya. Seryoso?

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon