-Nathan's POV-
"Oy! Sandali!" Sigaw ko sa kanya pero ang bilis niya talagang tumakbo.
Sino ba talaga siya? .. Halata naman nagulat siya at kilala niya ako? Hindi naman ako naghahalucinate kagabi? Siya talaga nakita ko.. Siya lang ang kakaiba..
Napakamot nalang ako ng ulo.
"Oy Nathan, bakit parang ang lalim ng iniisip mo? .. Baka malunod ka niyan?" Sabay tawa ni Grent, ang bestfriend kong abnoy.
"Ang korny ng joke mo" sarkastiko kong pagkakasabi sa kanya.
"Ah nga pala.. Nakita mo ba yung babaeng may mahabang buhok na kulay white? Ang ganda niya pre.. Kakaiba.."
"Oo maganda talaga siya.. " Sabi ko sa kanya in a very serious voice.Tinitigan ako ni Grent. Sabay ngiting nakakaloko.
"Aba, ngayon lang kita naringgan na nagkaroon ka ng interest sa isang babae ahh? Kahit ang dami dami mong fan girls" Pang aasar niya.
"Sira ulo.." Sabi ko nalang at naglakad na.Sabay may humarang na isa na namang annoying na nilalang.
"Hep hep! Narinig ko pinag uusapan niyo.." Ngumisi si Mileyna, close friend ko.
"Oh . Eh ano ngayon?" Pang aasar ni Grent sa kanya.
"Wag niyo nang pag pantasyahan yung babaeng yun! Una, nakita ko siya kanina kausap kuya niya.. Para siyang bata, magpabatok daw ba sa kuya niya? Pangalawa.. Alam niyo ba kung sino kuya niya?"
"Malamang hindi adik" sabay naming sabi sa kanya.
"Ang kuya lang naman niya ay si .. " Sabay talikod samin.
"Sabihin na! Nagpapa thrill pa!!" Asar na sabi ni Grent.
"Eh di sino pa .. Si super crush kong si Chris Van Renielle!! Kyaaaaahhhhhh .. " Sabay blush ni Mileyna samin ..Nakakahiya siyang kasama.
"Ay ang landi lang" pang aasar ni Grent.
"Malandi ka dyan ! .. Hmp!" Pag ismid ni Mileyna.
"Pano ba yan pre.. Di pala siya pwede.. Kapatid pala siya ng karibal mo dito sa school" sabi ni Grent na may halong disappointment.
"Walang issue sakin kung kapatid siya ni Chris.." Sabi ko nalang at umalis na.
"Ohhhhh.. Mukang pursigido siyaaaa.. " Sabi naman ni Mileyna at ngumiti.-Serene's POV-
Bakit?! Bakit of all placesss!! .. Arggg !! .. Bakit dun pa siya nag aaral.. Its too early.. I can't face him. Pano kung maalala niya lahat kaagad? Di pa ko ready. Ang tagal ko siyang hinanap.
Pagod na ko sa kakatakbo, huminto nalang ako sa isang parke at umupo sa may bench. Naiinis ako na hindi ko malaman. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko siya. At lalo na nang makita niya ako. Sumandal nalang ako at nagbuntong hininga.
"Uuwi na nga lang ako.. " Sambit ko sa sarili ko at umalis na.
Malipas ang maghapon na nakatunganga sa bahay ni Mayi. Ay sa wakas! Dumating na siya.
"Dito na ko.."
"Welcome home.. "Nagpamewang siya sabay turo sakin.
"Marami kang ipapaliwanag sakin"
Energetic na naman siya.. Teka.. Kelan ko pa siya naging nanay?
Malipas ang ilang minuto ay nakabihis na siya pangbahay at naka hain narin ng pagkain sa lamesa.
"Hmmm.. So kuya mo pala yung pinaka sikat na nilalang sa school namin.." Pagtatanung niya sabay subo ng kanin.
"Teka? .. Sikat siya? .. Ngayon ko lang napag tanto yan ahh?" Inosente kong sagot sa kanya.
"Anyway, alam ba ng kuya mo yung mga nangyari?"Nag nod lang ako.
"Eh di uuwi ka na?" Malungkot niyang pagkakasabi.
Umiling ako.
"Bakit?"
"Kagaya nga ng paliwanag ko sayo kagabi, kailangan ko munang magtago.. "
"Eh bakit naman yung kuya mo? .. Napaka sikat.. Pwede din siya makidnap.."
"Yung mokong na yun ? Imposible.. Baka sakanya pa matakot yung mga kidnappers" sarkastiko kong pagkakasagot.
"Ah! .. Siya nga pala.. Pumayag na yung amo ko na dun ka magtrabaho sa kanila.."
"Kailangan ko mag disguise.."
"Ah.. Oo nga pala.. Pero! May solusyon ako dyan!" Bigla siyang ngumiti ng pagkalaki laki.
BINABASA MO ANG
Serene (Completed)
VampireSi Serene ay isang vampire royalty na nainlove sa isang mortal. Pero, nang dahil sa isang aksidente, ay nagbago ang lahat Her one and only love lost his memory at nagkahiwalay sila. And beacuse of that incident, marami ang nadamay at marami ang nagi...