Chapter 18 [Those Sudden Incidents part 2]

4.4K 64 4
                                    

Hindi kaya..

Wait .. Is he going to take out his gun??

Ah shit ! .. Bahala na nga!!

"Oh .. Bakit hindi mo pa utusan tong goons mo na iputok na tong baril?" Panghahamon ko sa kanya.

Napatigil si Nathan at napatingin silang lahat sakin. Tiningnan ko sa mata si Nathan at nginitian.

"Hah- .. Tapang mo rin no?" Sabi ng bruha
"Hoy Serene!! .. Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ni Mayi
"Siguro nga .. Nahahawa na ko sa kabaliwan ng babaeng yan.." Sarkastiko kong pagkakasabi.

Mukang nanggalaiti na yung muka nung babae.

"Iputok mo.." Signal nung bruha sa tauhan niya..
 "No!! Sere-" sigaw nung dalawa..

BANG! ..

Isang malakas ng putok ng baril ang narinig sa buong classroom.

Ang baril na nakatutok sa sentido ko ay pinutok na ng tauhan ni Meirin.

Naramdaman ko yung pagtagos ng bala sa sentido ko na lumabas sa kabilang parte ng ulo ko.

Maraming dugo ang lumabas sa sentido ko at sumuka narin ako ng dugo.

Masakit .. Pero, hindi naman ako mamatay sa isang ordinaryong bala ng baril ehh..

"Serene !!" Tili ni Mayi.

Mukang umiiyak na siya.

I pretended to be dead.

Para bitawan na ko ng mokong niyang bodyguard.

Tumawa na parang may sapi si Meirin.

"Ayan ang napapala ng mga pumipigil sa mga gusto ko.. "

At binitawan na ko ng bodyguard ng bruha.

I still pretended to be dead at lagpak akong bumagsak sa may sahig.

"ngayon, Mayi. Mararamdaman mo kung ano yung naramdaman ko nang kinuha niyo sakin si Nathan.. "

Si Mayi.. Hindi na makakibo.. Nanginginig na siya. Umiiyak na.

"Let's go.. I'm finish here.." Sabi niya sa bodyguard niya at lumayas na.

Pagkaalis na pagkaalis nila ay agad akong tumayo.

Nagulat pa si Mayi kasi akala niya .. Patay na talaga ako.

"Aray.. Letche yun ahh!! .. Kahit ordinaring baril yun masakit parin ..
" Pagrereklamo ko habang pinupunasan yung dugo sa ulo ko.
"Gago ka talaga!! .. Kala ko namatay ka na talaga .. Tinakot mo ko!! .. Di mo manlang ako binigyan ng clue!! Nakakainis ka!!"
 "Ang slow mo naman .. Alam mo namang bampira ako.. Tingin mo mamamatay ako ng ganun lang?!"
 "Okay ka lang ba?" Biglang tanong ni Nathan.
"Oo okay lang ako.."

Tinulungan niya akong makatayo. Mabilis na naghilom yung sugat ko sa ulo. Pero binigyan ako ni Nathan ng panyo.

"Oh.. Punasan mo yang dugo sa ulo mo.. Baka may makakita pa sayo.."
"Ah .. Salamat.."

Habang pinupunasan ko yung left over blood sa ulo ko. Nakatingin sakin yung dalawa.

"Kainis naman .. Meron pa ko sa uniform .. " I mumble to myself.
"Kailangan mo ba ng blood donation?" Sabay pa nilang sabi.

I was like ..

O_O

XD

Grabe .. Natawa ako bigla sa sinabi nila .. Mga baliw talaga.

"So kailangan pinagtatawanan kami?" Sarkastikong pagkakasabi ni Mayi.
"Eh kasi naman .. Ang adik niyong dalawa .. Di naman ako naubusan ng dugo no!! .."
 "Pero seryoso .. Kung kailangan mo talaga ng dugo.. I am willing to donate ..Seryosong pagkakasabi ni Nathan.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon