chapter 21 [My Servant]

5K 67 10
                                    

-Serene's POV-

Langya .. Pumasok pala si kuya.. Dala niya yung kotse niya..

Kaya ayun .. Nag taxi kami ni Mayi ng wala sa oras.

Laki tuloy ng binayaran ko..

Okay .. Diet diet din ..

Di muna ako kakain ng lunch .. Hahaha! .. Naipambayad na sa taxi .. XD ..

Si kuya kasi ehh .. Ang konti ng baon na binibigay .. Tsshh..

Pagdating namin sa school.. Lunch break na .. Hindi na namin naatenan yung first two subjects namin.. Kaya naman dumeretso na kami sa may cefeteria.. At naupo nalang sa isa sa mga table.

"Adik adik ka talaga Serene .. Dapat di na tayo pumasok ehh .. Ayan tuloy .. Wala tayong kakainin .. Pinambayad na sa taxi"
 "Eh .. Suportahan mo nalang ako friend .. Alam mo naman gusto ko laging nakikita si Nathan"
"Speaking of Nathan .. Asan na yun?"
 "Ayun lang .. "

Maya maya pa ay may pumaltok sa ulo ko. At isang malaking negative aura yung naramdaman ko sa likod ko..

Napa hands up si Mayi.

Si kuya.. Baliw talaga.

"Aray!.. Lagi nalang may batok?!" Sigaw ko sa kanya.
"Sinabi ko bang pumasok ka ha?" Asar niyang sabi.
 "Bakit ? .. May sinabi ka bang bawal akong pumasok ngayon?" Pilosopo kong pagkakasabi.

At kinurot niya yung magkabila kong pisngi.

"Ikaw talaga .. Namimilosopo ka pa.. "
"Aray .. Naman ku- couz naman ehh.. ~" pilit kong tinatanggal yung kamay niya.
"Couz couzin mo muka mo" .. At binitawan niya yung muka ko.
"Pengeng pera.." Sabi ko.
 "At baket?!" Pagsusungit niya.
 "Eh nagtaxi kami.. Naubos yung pera ko"
 "Bahala ka diyan .. Magutom ka .." Sabay walk out ni kuya.

Ang sama talaga netong menopause na to..

"Tanda!! .. Bala ka! .. Sasabay kami sayo!!" Sigaw ko.

Haha! .. Napikon siya.

"Bahala ka.. Iiwan ko kayo.. Maglakad kayo!!" Sigaw ni kuya..

Sus .. Para namang maiiwan niya kami..

Maya maya pa ay kumulo na yung tyan ni Mayi.

"Serene .. Nagugutom na talaga ako.."

Loko yun si kuya ahh.. Talagang tiniis kami ahh..

"Tara .. Mambuburaot tayo.." Sabay tayo ko sa upuan.

Saktong sakto kasi, nakita namin sila Grent.

"Hi guys!" Sabay upo ko sa tabi ni Grent.
"Uy! .. Kayo pala .. " Sabi ni Mileyna.
 "Teka .. Kumain na ba kayo?" Tanong ni Grent.
 "Di pa nga Grent ehh.. Naubos kasi yung baon namin nang dahil sa taxi" malungkot kong pagkukwento.
 "Ililibre ko nalang kayo" sabi naman ni Mileyna.
 "Talaga ! .. Thank you Mileyna!" Masiglang sabi ni Mayi.
 "Oo naman .. Siyempre no.. Nang dahil narin kay Serene kaya meron ako neto"

Sabay pakita ng napakalaking poster ng picture ni kuya samin.

Nasamid pa ata ako sa laway ko nang makita ko yung poster.. Si Grent halos isuka na yung kinakain. Samantalang si Mayi pinag pawisan at nanlaki yung mata.

Alam na .. Patay kami kay kuya.

"Ba't ganyan naman reaction niyo?" Nag pout si Mileyna.
"Eh kasi naman.. Kailangan ipakita? .. Patay ako kay Chris pag nalaman niyang binigyan kita ng picture niya"
 "I second emotion" sabi naman ni Mayi.

Mukang nakakaramdam ako ng killing intent mula sa likod ko.

Tumayo mga balahibo ko..

Si kuya.. Nakita niya malamang .. Pagala gala pa naman yun dito sa cafeteria kanina pa..

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon