-Serene's POV-
Nagsasayaw na kami ngayon ni Nathan.
Grabe, medyo nahiya din ako sa ginawa ko kanina. Langya.
"Ang wierd mo talaga" sabi naman ni Nathan.
"Tagal na" sabay belat ko.Ewan ko ha? Pero makatitig si Nathan wagas?
"Makatitig?" Puna ko.
"Sigurado ka bang hindi mo kapatid si ano?"Hindi niya binabanggit yung name ko. He's aware that there are many bounty hunters here.
"Hindi no" sabi ko nalang
"Well anyway. Maganda ka ngayon" sabi niya "Ngayon lang yan. Bukas wala na yan"Natawa lang si Nathan.
"Sira ka talaga" sabi niya.
"After ba ng engagement party mo papasok ka parin ba sa school?" Tanong ko
"Oo naman"At medyo nanahimik na kaming dalawa.
Wala na kong mai topic.
Bakit ba ang awkward?
"Si ano. Kamusta na?" Bigla niyang tanong.
"Ayun. Broken hearted." Straight forward kong sagot.
"Ganun ba" malungkot niyang sabi.
"Sorry Nathan huh"
"San naman?"
"Wala kasi akong magawa eh"
"Nakakailang sorry ka na? Mga isang daan na ata? Ever since kapag lagi akong napapahamak?" Sabi niya sabay tawa ng mahina.Nag pout lang ako.
Eh kasi nga ako nga may kasalanan ng lahat.
Napa look away nalang ako.
Maya maya pa ay may tumapik kay Nathan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bwisit!! Si Reynold!! Amp!!
Medyo hinawi ko paharap yung buhok ko para matakpa yung muka ko.
Baka mamukaan ako!
"Pwede ba siyang maisayaw?"
Tinitigan namin siya ni Nathan.
Wag please Nathan! Ayokong isayaw niya ako!
"Ayoko nga" Nathan bluntly said.
"Nakakapikon ka Nathan ha" medyo kalmadong sabi ni Reynold.At ang saya lang talaga. Andito din si Janiz. Lumapit siya at tinapik ako.
"Kami naman magsasayaw ni Nathan." Siga talaga siya magsalita.
Hinarap ko siya.
And infairness sa kanilang dalawa ni Reynold, naka suit sila. Mala men in black ang peg?
Teka.. Pinagtutulungan ba kami ng dalawang to?
"Teka. Ikaw ba yung-"
Nako! Not here! Nakilala niya kaya ako? Bigla akong kinabahan.
"Ikaw yung matapang na babae na sumagot sagot kay boss? Wow.. Nice seeing you here?"
Hayy .. Narelieve ako. Kala ko buking na ako ehh.
"Ah.. Ikaw yung lumaslas ng leeg ko? Oo kanina pa ko dito. Special guest nga ehh." Sarcastic kong pagkakasabi.
"Tapang mo parin magsasagot no?" Naiinis niyang sabi.

BINABASA MO ANG
Serene (Completed)
VampireSi Serene ay isang vampire royalty na nainlove sa isang mortal. Pero, nang dahil sa isang aksidente, ay nagbago ang lahat Her one and only love lost his memory at nagkahiwalay sila. And beacuse of that incident, marami ang nadamay at marami ang nagi...