Pag gising ko kinaumagahan, nakita ko si Mayi na nagpe-prepare na ng agahan sa may table.
"Goodmorning" bati ko sa kanya.
"Loka ka .. Iniwan mo ko kagabi.. Hmp" nag pout siya.Ang cute niya.
"Ah .. Ehe- sumama kasi lalo pakiramdam ko kaya umuwi na ako kaagad, ayaw ko lang kasi na madistract ka sa work mo kaya di na ko nagpaalam"
"Gaga ka .. Batukan kita diyan eh .. Kumain na nga tayo.."After namin kumain, ay pumasok na ulit kami sa school. Siyempre, todo disguise ulit ako.
Pagpasok namin sa may room, nakatingin na naman sakin yung mga classmates ko. Para na naman nila akong kakainin ng buhay. Pati si bruha makatingin kulang nalang matunaw ako.
Ano kayang meron? ..
Pagpunta ko sa upuan ko, may nakapatong na isang cake. At may letter.
"Sorry if I misjudge you yesterday. Sorry sa attitude naming magkapatid. - Nathan"
Napangiti ako. Siyempre hindi ko pinahahalata na kinikilig ako. Hindi ko kakainin tong cake.. Papalaminate ko to.
"Do you like the cake?" Biglang may nagsalita sa may likod ko.
Si Nathan pala.
"Ah .. Ano.. Di mo naman na kailangan magbigay pa ng cake, apology accepted naman na eh.. " Napakamot ako ng ulo
"Pero thanks narin" dagdag ko.Ngumiti nalang siya at naupo na sa seat niya.
Uwaaa.. Bakit ko ba lagi nakikita yung ngiting yun ..
Hinawakan ko yung pendant na hugis susi na binigay niya nung 13th birthday ko. At napangiti nalang.
Nag start na yung klase, biology class yun. Bigla nalang nag announce si teacher ng isang group activity.
"Okay class, I'll be pairing each of you for your research activity. "
Nag announce na siya habang ako naman, hinihintay ko na mabanggit yung pangalan ko sa groupings.
"Mayi and Reynole.. Riza and Nicole.. Serene and.. Hmm"
Pa echos effect pa tong si Ma'am .. Nagpa Thrill pa..
"Nathan.. "
Ano daw? .. Ako saka si.. NATHAN? ..
Pwede tumili? .. Kahit saglit lang? .. Landi mode lang? ..
Napatingin ako kay Nathan. Napatingin din siya sakin
"Partner.." Sabi ko nalang at ngumiti.
Ngumiti ulit siya pabalik.
"I'll be giving you an hour to finish the activity.. Starting now.." At ayun .. Pinaalis na kami ni ma'am.
"Ano ba yung gagawin natin?" Tanong ko.
"hmm.. Mag oobserve tayo sa botanical garden.." Sagot niya habang binabasa yung notes niya.Buti pa siya may notes.. Ako na hindi nagsusulat .. XD .. Haha! ..
Nakarating na kami sa may botanical garden. At dun, naupo kami sa may tapat ng isang halaman. Habang siya titig na titig sa may halaman, ako naman nakatitig sa kanya.
Eh pasensya naman .. Namimiss ko na siya ehh .. .. Minsan ko lang siya mapag masdan.
Napansin na naman niya ako nakatingin sa kanya. Nakakahiya lang ..
"Muka ba kong halaman?" Tanong niya
"H-ha ?" Naguluhan ako.
"Mukang ako kasi ang inoobserbahan mo.." Sagot niya at natawa.Namumula na ata ako sa kahihiyan..
BINABASA MO ANG
Serene (Completed)
VampireSi Serene ay isang vampire royalty na nainlove sa isang mortal. Pero, nang dahil sa isang aksidente, ay nagbago ang lahat Her one and only love lost his memory at nagkahiwalay sila. And beacuse of that incident, marami ang nadamay at marami ang nagi...