chapter 35 [A Friend's Farewell]

4K 59 2
                                    

-Serene's POV-

Maaga akong gumising ngayon since may pasok na ulit kami.Mabilis lang akong kumilos at nag ayos ng sarili.

Makikita ko na naman ulit si Nathan ngayon. Since tuwing school days ko lang naman siya nakikita kaya naman I have to make the most out of it.

Sana maka-isip pa ko ng paraan para maibalik sakin si Nathan. Kaso hanggang ngayon blanko parin ang isip ko sa kung pano ko yun gagawin.Hayy. Bakit ko pa kasi pinatagal pa yung pagtatapat ko sa kanya? Nag sisisi tuloy ako sa mga nangyayari ngayon.

Pumunta na ko sa kabilang kwarto at Kaagad ko nang kinatok yung pintuan ni Mayi. Agad naman niyang binuksan yung pinto.

"Tara .. Pasok na tayo.." Plain kong sabi.

Napa buntong hininga si Mayi.

"Hayy.. Be .. Hindi ako sanay na hindi ka energetic" sabi niya.
"ah.. Eh kasi.. Wala ako sa mood na ewan" sabi ko naman.
"Dapat nga maging energetic ka ngayon. Makikita mo na ulit si Nathan"
"Na hindi ko naman maibalik sakin.." Bitter kong sabi sa kanya.

At nagkaron ng saglit na katahimikan.

"Ampalaya" biglang binasag ni kuya yung katahimikan.

Takte.. Ampalaya talaga?

"Epal to" sabay pout ko. Natawa naman si Mayi.
"Saan ka na naman nagpunta kuya huh? Kahapon ka pa wala? Ngayon ka lang umuwi?" Tanong ko sa kanya.
"Aba? Kelan pa kita naging nanay?. Ano ba usual kong ginagawa kapag wala ako dito?" Sabi niya.

Gaya gaya ng linya din to eh.

"Ah! Nambabae ka na naman!! .. Nagpapakasaya ka habang ako miserable dito. Sama neto" pambabara ko sa kanya.
"Aba talaga naman.. ? Nambabae agad? Idiot ka talaga. Nagtrabaho ako.!" Pagdadahilan niya.
"Nagtrabaho mo your face.. " I mumbled.

Napansin ko na pinapanood na pala kami nila Kryle and Caithlyn. At mukang natatawa silang dalawa sa pagtatalo namin ni kuya.

"Si kuya talaga.. Tsk" banat ni Kryle and Caithlyn sabay cross arms.
"Aba. Ako ata trip niyo ngayon ah?" Sagot naman ni kuya.
"Eh kasi naman no. Magdadahilan nalang hindi pa kapani paniwala" pang aasar ko.
"Sos, hindi kita pinipilit na maniwala.. O siya siya. Baka gusto niyo ng pumasok?" Sabi ni kuya.

Nilihis pa yung topic.

"Okay po.. Mr. Womanizer" sabay belat at baba ng hagdanan
. "Sira ulo talaga to" narinig kong sabi niya.

-Mayi's POV-

Naks talaga naman. Si Chris lang pala makakapanumbalik ng sigla ni Serene. Although medyo kulang pa yung pagiging energetic ni Serene pero mas okay na to kesa yung kaninang napaka serious.

"Naks.. Galing mo talaga Mr. Chris Van Renielle" sabi ko sa kanya.
"Tsh. Ako pa.. " Sabay pamulsa ni Chris.
"Kuya san ka ba talaga kasi nanggaling?" Sabi ni Caithlyn at namewang na.
"Nagtrabaho nga.. Ayaw pang maniwala" sabi ni Chris sabay pamulsa.

Bigla akong natawa since ang cute ni Caithlyn dahil naka pout na siya.

"Tawa tawa mo diyan?" Asar na sabi ni Chris
"Eh kasi kahit little sister mo hindi ka pinaniniwalaan.. Hahaha !" Sabi ko sa kanya at Sabay takbo ko pababa.

Sarap pagtripan ni Chris. Napipikon din pala siya. Bwahaha!

"Talagang mamaya kayo saken dalawa" rinig kong sabi niya.

Nako po. Mapapagtripan na naman ako neto mamaya?

Agad akong pumunta sa may kotse at nadatnan si Serene. Seryoso na naman yung muka niya at medyo tulala pa siya. Ang bilis niya talagang mag iba ng mood. At mukang malalim din ang iniisip niya.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon