chapter 15 [The Main House]

5.4K 82 0
                                    

"Serene.."

May boses akong naririnig..

"Serene.."

May tumatapik sa pisngi ko.

"Serene!"

Paulit ulit niyang tinatapik yung pisngi ko. Medyo makulit na?

"Serene gising!!"

At tinulak niya na ako sa higaan.. "

Lokong Mayi to. Itulak ba ako? Ang sakit tuloy ng pagkaka bagsak ko.

"Anu ba yun?!" Pabulong kong sigaw.

Natutulog pa kasi si Caithlyn ehh. Ayaw ko naman siyang magising.

"Papasok ba tayo??"
 "Ay .. Oo nga pala no??.. Wait tatanungin ko si kuya.."

At lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kabilang kwarto. Pagbukas ko nang pinto..

Ay shete .. Nagbibihis pala si kuya .. O_O" sinara ko kaagad yung pinto..  ..

Lock lock din pag may time.. -___-" muntanga ehh..

"Libre kumatok .." Binuksan na niya yung pinto.

Tapos na siyang mag bihis.

"Eh kasi libre naman mag lock.. " Pang aasar ko.
"Oh .. Ano ba kasing kailangan mo?"
"Bayad na ba tuition namin ni Mayi? Pwede na ba kaming pumasok ulit??"
"Ah .. Yun ba .. Oo .. Kahapon pa.. Sabay sabay na tayong pumasok.."
"Eh? .. Pano sila Kryle?" "Ihahatid muna natin sila sa may main house."
"Sa may main house? .. Eh di ba .. Medyo malayo yun? .. At nasa may liblib na lugar? "
"Ayun lang kasi ang pinaka safe na tirhan since sinira nila yung kasalukuyang bahay natin.. At isa pa.. Those traitors would not be able to find that place since it has invisible force field that hides our main house.. At isa pa, magbibirthday narin yung kambal kaya naman eksakto narin na nandun tayo.."

yung main house, dun kami dati nakatira. Dun din yung lugar kung san may isang bangin na kung saan lagi akong namamalagi. At dun din yung lugar kung saan una kong nakilala si Nathan. Simula nang umalis ako papuntang europe, lumipat ang family ko sa second house namin na ngayon ay sinira na nang mga traydor. Paminsan minsan nalang tinutuluyan to nang family ko kapag may special gatherings lang.

"ah .. O sige .. Kaw na manggising kay Kryle.. Maliligo lang kami.."

Mehehe .. Bala ka diyan kay Kryle.. Nakakatakot yan pag ginising ng sapilitan..

Pero no comment nalang ako sa pagbalik nila sa bahay na yun. Kasi, alam niyo na .. May hindi magandang nangyari sa lugar na yun.. Na hanggang ngayon ay pinag sisisihan ko..

"Sige .. Bilisan niyo.." Grumping pagkakasabi ni kuya.

Ang aga aga menopause?

At nag start na kaming kumilos. Siyempre, kailangan ko parin mag disguise. Ginising ko narin si Caithlyn.

Nagising na kaya ni kuya si Kryle? .. XD

Maya maya pa ay may nag bukas ng pinto. Si kuya. Yung itsura niya .. Nakakatawa. Mala ganito .. -_-||.. Nakita niya siguro yung negative aura ni Kryle nang ginising niya yun.

"Kaya pala sakin mo pinapagising si Kryle huh.."
 "Haha .. Alam na ." "Tapos na ba kayo?"
 "Oo .. Tara na .."

Tinawag na ni kuya si Kryle at bumaba na kami. Si Kryle and Caithlyn tahimik lang. Ang awkward tuloy. Hinawakan ko nalang silang dalawa sa kamay at lumabas na kami ng bahay.

Yung kotseng parating ginagamit ni kuya yung sinakyan namin. Tae, kelan pa nandun yun?

Si Mayi, muka namang na-amaze sa kotse ni kuya.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon