Hiling- 1

8.1K 116 4
                                    

      


              Ako si Alejandro  pero tawag nila sa akin ay Dodong, laking Gensan ako kaya  pure bisaya 'ika nga. Sabi ng nanay ko, taga Manila raw ang tatay ko. Isang Jordanian na namalagi na sa pinas dahil sa negosyo niyang recruitment agency, ang Balagtas Manpower Agency.

'Di na kaila sa akin na napapagkamalan akong mayaman, dahil sa kutis ko, itsura kong ibang lahi. Lagi akong napapa-away dahil sa tukso sa akin, nanay ko raw pokpok! Ayaw kong naririnig 'yun kasi nasasaktan ako. Mahal ko si inay, siya lang ang tangi kong pamilya.

Tinanong ko na rin kung bakit ako ganito? Kwento naman niya, nagkaroon sila ng relasyon ni Faisal Murrack, ang kanyang recruiter. May agency raw doon sa amin na konektado sa BMA. Sa kagustuhan niyang mapabuti ang buhay ng mga lolo at lola ko, naisipan niyang mag-apply. Maganda raw ang offer, pwedi na keysa tumunganga lang naman siya sa Gensan, 'di naman siya nakapagtapos.

'Yun na nga, nagkaroon sila ng  relasyon pero ang masakit 'nung sinabi niya sa tatay ko na buntis  siya, nagalit.  'Di raw sa kanya,  walang nagawa si inay kundi ang umuwi sa aming lugar.

 Mabait si nanay sa akin, mahal niya ako.  Kahit hirap kami sa buhay, ok lang sa akin. Masaya na akong kasama ang aking ina.

Ngunit nitong linggo lang ang kanyang libing,  namatay siya dahil sa pagtatanggol sa akin. Nagkaroon ako ng away sa kanto, mga walang magawa sa buhay. Galing ako 'nun sa canning, may nakasagutan na ako 'dun kaya medyo 'di na maganda ang mood ko. Pauwi ako 'nun... hinarang nila ako at inayang tumagay. Likas na hindi ako umiinom kaya nung umayaw ako si nanay na ang tinukso nila. 'Di ako nakapagpigil ay nasuntok ko 'yung isa. Doon na nagsimula ang gulo hangga't dumating si inay. Yung isa, may balisong raw na isasaksak sana sa akin pero hindi ako tinamaan... hinarang pala ni inay.

Siya ngayon ang tinamaan sa tiyan, nasugatan at ngayon... wala na siya.



 

            Naputol ang pag-iisip ko sa ingay sa baba. Nahulog 'yung camera ng mama sa dagat, ayuko' sanang maki-usyuso pero nang marinig ko ang hiyaw niya. 

"Please tulungan niyo ako, may sintemental value sa akin 'yun, nandoon lahat ang pictures ng anak ko... kakamatay lang niya last month, cancer!"

 Parang may bumulong sa akin na tumalon at hanapin 'yung camera.

"Ayyy!" sigaw ng mga tao.

Marunong akong lumangoy parang ito na yata ang kinalakhan ko. 'Di nagtagal ay nahanap ko na ang camera, basang-basa akong umahon mula sa dagat.

Tahimik kong inabot ang digital camera yata ang tawag sa namamanghang mama sa unahan ng mga taong nagkukumpulan.

"Sir, marami pong salamat, ako po si Victor"

"Kian" maikli kong sagot, aalis na sana ako pero sumabay siya sa akin.

"Pare, saan ang deck mo? Saan ba ang punta mo, sa Manila?"

Tumango na lamang ako at ngumiti habang nagpapagpag ng tubig.

"Kung ok lang sa'yo, sumama ka na sa akin para alam ko ang address mo sa Manila."

Napatingin ako sa kanya, parang sinagot ng Dios ang problema ko kanina. Wala akong kakilala sa Maynila, gusto ko lang makita ang aking ama at makipagsapalaran na rin. Wala na akong pamilya sa amin.... Kaya eto,  luluwas ako.



ionah


HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon