Hiling-51

3.3K 67 1
                                    

Para sa'yo to' Kath0506... sorry sa pangakong hindi ko naman agad nagagawa. Sana magustuhan mo'to... I love you, you're always there for me :-)



Naging mabilis ang lahat ng pangyayari, sa unang pagkakataon ay nakilala ko si Paul pati na rin ang kanyang pamilya. Hindi nagpatumpik-tumpik pa si Rebecca sa pagbabalita na gusto naming magpakasal. Sa una, halata sa pananalita ni Paul na 'di siya sang-yon sa plano namin. Pero sa bandang huli, si Rebecca pa rin ang nasunod.

Napasandal ako sa bangkong rattan nang maisip ko na magpapakasal si Rebecca sa akin.

Si Rebecca...

Napakislot ako nang mula sa likuran ay naramdaman ko ang malambot nyang balat. Masuyo niya akong niyakap at inilatag sa balikat ko ang ulo niya.

"Bakit ang tahimik mo ah, anong iniisip mo?" sabay halik niya sa kaliwa kong tenga.

Pinisil ko ang kamay niya at lumingon.

"Hindi ko lang sukat akalaing magpapakasal ka sa akin..." halik ko sa tungki ng ilong niya. "Akala ko habang buhay na lang kitang papanaginipin...."

Bumuntong hininga siya at tumingin sa malayo.

"Im sorry babe.... Sorry at humantong sa ganito ang lahat." Kumalas siya sa akin at umupo sa kalapit na bangko. Tahimik nyang nilingon ang dalawang bakla na nagsusulat sa ibinigay nyang design ng wedding gown.

Tahimik ko namang inayos ang upuan ko at tumabi sa kanya. Masuyo ko syang inakbayan at hinalikan sa buhok.

"Hindi na mahalaga sa akin ang lahat ng nangyari, ang mahalaga ay kasama na kita ngayon...." Bulong ko sa kanya.

Napangiti naman siya at tiningala ako.

May sasabihin pa sana siya nang tumikhim ang bakla sa harapan namin.

"Senora ver que hice po niyo ......" (Senora tingnan niyo po ang ginawa ko...) lapit niya sa amin at inilahad kay Rebecca ang sketch.

Hindi siya nagsalita, kinuha niya ito at ipinakita sa akin.

"Maganda ba?" tanong niya habang ako naman ay matamang tinitigan ang sketch ng gown.

"Maganda babe kaso lutang na lutang ang likod mo dyan." sagot ko habang sa larawan pa rin nakatingin. "Tsaka ang payat mo, sa tingin ko'y ipasara mo na lang 'yan... ang space na 'yan..." lingon ko sa kanya.

"Backless 'yan babe para naman magkaroon ng style ang damit ko... long sleeves na nga 'yan." Tugon niya sa akin at inagaw ang hawak ko, pinagmasdan niya ito. "Pero sabagay ang payat ko ngayon.... sige bawasan natin ang exposure nito..." Anas niya.

Tiningala niya ang baklang nakatayo pa rin sa harapan namin.

Ngumiti syang iniabot ang sketch pad.

"Usted acaba sin respaldo estrecho del mismo Miguelito, mi prima flaca. ..." (Paliitin mo na lang ang backless nyan Miguelito, ang payat ko raw...) Biro niya sa lalaki.

"Como quiera Senorita..." (As you wish Senorita) bumalik ito sa mesa.

Nilingon niya uli ako. Makikita sa mga mata niya ang kasayahan.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon