Hiling-16

5K 96 2
                                    

.

.

.

     Naalimpungatan ako nang may naririnig akong ingay ng mga tao. Kinakapa ko si Cynthia sa tabi ko, wala siya. Bumangon ako, 12:15 pm na pala ng tanghali. Hinahanap ng mga mata ko si Cynthia, wala pa rin.

Lumabas na ako ng kwarto, apat na lalaki ang nabungaran ko sa sala.

"Good afternoon sir!"

"Gandang tanghali,"

Tumuloy na ako sa kusina, baka 'andun si Cynthia. Pagsilip ko pa lang ay nakita ko siya agad, nakatalikod. Parang hindi nag-ayos ah.

Nakatali ang buhol-buhol nyang buhok pataas.

Naka t-shirt ng maluwang at maiksi na short. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong maganda pa rin siya sa ayos nyang ito.

 Lumapit ako.

"Good afternoon,"

"Hi, gising ka na pala, gusto mo magkape?"

"Mamaya na, sabay na lang tayo," umupo ako sa isang silya, tinintingnan ko lang sya.

"Kanina ka pala gising, bakit hindi mo'ko ginising,"

"Tulog na tulog ka kasi, tsaka dumating 'yung mga  lalaki,"

"Yun na nga ei, nagtitiwala ka sa  mga lalaking 'yan,"

Humarap siya sa akin, namamangha ang itsura, "Nagseselos ka ba Kian?"

"Sa akin lang, mga lalaki 'yan... hindi mo  kilala, baka anong gawin nila sa'yo. Tsaka ayaw kong may binabastos bata matanda, ayaw ko..." sabay labas ko sa kusina.

      Alam kong nabigla si Cynthia sa ikinilos ko pero bahala siya mag-isip, 'yun ang nararamdaman at naiisip ko. Sa sala na ako nagtambay, para mabantayan ko ang mga lalaki at i-instruct kung saan ilalagay ang mga  gamit.

Alas dos na nang kumain kami ng almusal-tanghalian. 'Yung tatlong lalaki'y pinili nilang 'dun kumain sa ilalim ng puno sa labas.

Kami naman, sa kusina kumakain. Hindi rin nakakapagconcentrate si Cynthia, sinisilbiihan niya 'yung tatlo. At ngayon nga, naghatid naman siya ng juice at tatlong baso, ako naman naisipan kong sumilip sa bintana ng kusina para magmanman.

Tama nga ang hinala ko.

Putang ina! pinagnanasaan nila si Cynthia!

Pabalik na siya sa bahay at kitang-kita ko kung paano nila tingnan ang legs niya. Hinintay ko lang si Cynthia at tinapos na namin ang kumain. Ako na ang sumasama sa mga lalaki, kung nandyan man si Cynthia, lagi ko syang hinahawakan.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon