Hiling-35

3.5K 68 2
                                    

.

.

.

    Nakahiga na ako ngayon sa kama namin ni Rebecca, tinitignan ko ang cellphone number ni Kaye. Gusto ko syang tawagan para itama kung ano ang nasa isip niya pero anong oras na ngayon. Nakakahiya kay Peter na pasado ala una na'y tatawag pa ako at baka magalit lang din lalo si Kaye sa akin.

Bukas ko na lang siya tatawagan.

Naisip ko naman si Joey, alam ko nasira na ang buong gabi niya sa nangyari. Nasa puso ko ang mag-sorry pero hindi ko alam paano simulan. Ginawa ko na lang ay doon ako kumain uli sa kanila. Ang mga matatanda pala'y nagluto para sa aming pag-uwi. Minsan ay palihim ko syang sinusulyapan, napangiti ako nang mapansing nawala na ang pananahimik niya.

Binitiwan ko na ang cellphone at pumikit, mukha na akong haggard sa kakaisip.

Si Rebecca ang nakikita ko, umiiyak... parang nasasaktan.

Dumapa ako, ayukong isipin siya ngayon. Kung lalahatin ko ang mga nangyayari ay baka masiraan ako ng ulo. Uunahin ko muna ang anak ko, 'pag makuha ko na siya.

Hahanapin na kita Rebecca.

        Parang may yumuyugyog sa balikat ko. Parang may kasama ako ngayon dito sa kwarto. Kung si Aimee lang, bahala siya! Pero iba ang boses niya...

"Hoy, gising... hindi ka na naglock ng pinto ah." yugyog pa rin niya sa akin.

"Hemmmm....."

"Gising na... aalis na ako ngayon Kian."

Agad akong napadilat, tumambad sa akin ang mukha niya. Anong oras na ba at aalis na si Joey?

"Bangon na..." tumayo na rin siya. "Ikaw ha, ikaw na lang ang kulang sa mga hahatid sa akin, 'di ba sinabi ko na sayo kagabi 8 ang flight ko..."

Agad na nga akong bumangon. "Pasensya ka na, ginabi kasi tayo nang uwi... 'san kami maghahatid nila lola, hindi pa ako nakaligo." sabay tayo ko.

Napatingin siya sa harapan ko. At dahil umaga ngayon ay sadya namang gumigising ang kayamanan ko. Napatakip ako sa namumukol kong harapan at agad akong tumalikod sa kanya.

"Hintayin mo na lang ako sa labas, magbibihis lang ako."

"S-sige... pumunta ka na lang sa bahay." sagot niya at lumabas na siya ng kwarto.

Lintek na!

Baka iisipin ni Joey na sinadya ko ang ganung' ayos. Ok panga 'yun ei kasi nakabrief pa ako. Nung' nandito pa si Rebecca ay wala talaga akong saplot kung matulog. Siguro hindi naman 'yun magagalit, siya naman ang pumasok at hindi ako.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon