Hiling-22

4.3K 73 2
                                    

.

.

.

     Lumipas ang mga araw at buwan, ganun pa rin ang set-up namin ni Rebecca. May araw na masaya kami, may araw naman na nagtatampo ako sa kanya. Alam mo 'yung lalakad siya at 'di man lang makatawag na uuwi siya o hindi. Nababalewala ang paghintay ko sa kanya buong gabi.

Hanggang ngayon, wala pa rin akong nakikilala sa mga kamag-anak niya, tanging mga kaibigan lang ang nakikita ko't nakakausap.

One month na lang at ga-graduate na ako ng Computer Programming. Sinikap kong maging mataas ang aking grado, para kay Rebecca. Para magawa nyia akong maipagmalaki sa mga tao. Sa awa naman ng Dios, wala pa akong nakukuhang 2.5 na grades, puro 2.25 ang nasa classcards ko pataas.

Si Aimee naman ay naging malapit kaming magkaibigan at nakilala ko rin Justine. Sila ang lagi kong kausap at kasama sa school. Classmate ko si Justine sa lahat ng subject samantalang si Aimee ay nagpalit ng course, pero sinisikap pa rin nyang magkita kami at magka-usap.

Nasa jeep ako ngayon, pauwi na sa bahay namin. Nag-iisip ako ng lulutuin kasi pauwi ngayon si Becca sa kanyang seminar mula sa Australia. Matindi rin ang mahal kong 'yun, sa dinami-dami nilang staff, siya pa ang napiling maging representative ng kanilang office para sa seminar na 'yun.

Miss na miss ko na siya, almost 3 weeks na ang kanyang pag-alis. Akala ko 12 days lang ang seminar na 'yun pero umabot ng 20 days na ngayon.

Tumawag nga siya kagabi, pauwi na raw siya.

       



            Nasa bahay na ako ngayon, naglinis muna ako ng kwarto at nagbabad na sa kusina. Ano kayang lulutuin ko, tanong ko sa sarili ko. Naisip kong magcaldereta, hahaluan ko na lang ng gulay para kay Rebecca.

Busy na ako sa pagluluto nang may marinig akong tumigil na sasakyan sa labas.

Lumabas ako, sinilip ko sa bintana at laking gulat ko nang makita si Rebecca na inaakbayan ng isang lalaki papalapit sa aming bahay. Maputi ang lalaki at matangkad. Parang ibang lahi dahil sa itsura niya at hugis ng mata. Ito ba si Paul?

Nainis ako, hindi man lang iniisip ni Rebecca na maaring naka-uwi na ako. Bumalik ako sa kusina at hindi sila pinagbuksan. May sarili namang susi si Rebecca.

Narinig ko nang nakapasok sila.

Narinig kong nagsalita si Rebecca.

"Dumito ka na muna sa manila para magkasama pa tayo nang matagal,"

"Ikaw na kasi ang sumama sa akin, nag-iisa ka dito... paano kita maaalagaan?" sagot 'nung lalaki.

"Ok naman ako dito,"

"Kung 'yan ang desisyon mo, hindi na kita pipilitin ok.... basta magtawagan na lang tayo lagi ha,"

"Oo naman... kailan ang balik mo sa Spain?"

"Kung malalaman ko na ang result ng test mo sa Australia, sana naman maging ok ang lahat,"

"Sana, sana lang...."

"O paano, dalawin na lang kita dito ha, o magkita tayo sa labas. 'Wag kang magpapagod Rebecca,"

"Promise..." naririnig ko pang tumatawa si Rebecca.

Ito na nga si Paul, ang kanyang tunay na mahal. Madalas kong nababasa ang mga messages niya kay Rebecca, puro nami-miss o 'di kaya'y pinapauwi siya.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon