Hiling- 5

5.1K 80 2
                                    




     Hapon na kami nakauwi ni Victor, nag-grocerry pa siya ng makakain sa bahay. Gusto niya akong bilhan ng bag para sa pagpasok ko pero umayaw ako.

"Wag na  pare, ginagawa mo naman akong bata," tanggi ko.

"Nae-excite ako sayo ei, 'wag ka mag-alala, bibigyan na lang kita ng kalahating advance bukas para may pambili ka ng kung anong gusto mo. Kung pagkain, sa bahay ka na kumuha para makabawas ka ng gastusin...  maraming chicks 'dun pare kaya kung mahihiya kang magbaon e 'di 'wag na ha haha!," biro niya sa akin.

"Oo nga ei, pero saka na ang mga babae... Uunahin ko munang sarili ko, hindi ganitong walang deriksyon,"

Tama ang sinabi ni Victor, hindi imposibleng makakilala ako ng babae. Ok lang sa akin basta walang seryusuhan, ayaw ko pang magpamilya. Gusto ko 'yung kaya ko na silang buhayin, hindi maghihirap katulad namin ng nanay ko.



.


HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon