Hiling-43

3.1K 60 0
                                    



Kakarating lang namin sa Marikina Hieghts, isang bagong condominium ang pinasukan namin. Akala ko sa isang head quartes kami magpapalipas ng gabi pero sa personal place pala ni Sir Danny kami nagtungo.

Nauna na syang maglakad sa akin para buksan ang isang pinto. Tahimik naman akong nakatayo sa likod niya.

Napatingin ako sa kanya nang lingunin niya ako.

"Wag ka mag-alala Kian, lahat ng mga kapitbahay ko rito'y kasamahan ko rin sa trabaho..." saka tumalikod uli.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang iniisip siguro ng pulis nato'y kahit kailan ay hindi ako nadawit sa gulo. 'Yun ang pagkakamali niya, ilang pasa ba ang natamo ko dati, ilang bugbog ba ang natanggap ko, gaano kalalim ang sakit na nadama ko noon... ang dami, hindi ko na mabilang.

Namatay nga si inay dahil sa akin eh, dahil sa away ko.

"Halika na," yaya niya sa akin. Para akong natauhan sa pagkaway niya kaya mabilis akong pumasok sa loob. "Ituring mo na parang bahay mo na'to..." sabi niya at tumuloy sa kusina.

"Salamat Sir..." tanging nasabi ko lamang.

Umupo ako sa sofa para matulungan naman ng bangko ang bigat na dinadala ko ngayon. Si Kenneth na natutulog at iilang gamit na kinuha ko sa kotse.

Nakita kong lumabas si Sir Danny mula sa kusina at lumapit siya sa akin. Umupo siya sa kaharap kong sofa.

Kinuha ang cellphone at may tinawagan.

"Hello, si SPO1 Danny Santos ito... gusto kong magpadeliver ng litsong manok, plane rice at anong dessert niyo dyan. Oo, 'yun na lang ha.... sige sige."

Nilagay lang niya ang cellphone niya sa tabi ng sofa at tumingin sa akin.

"May kailangan ka bang bilhin, may grocery sa baba."

"Ako na lang ang bababa Sir, gatas lang naman ang kailangan ko para sa kanya." tinignan ko si Kenneth.

"Ang hirap nang sitwasyon mo Kian... kailangan talagang may kasama kang nag-aalaga sa anak mo."

Hindi ako nagsalita. Hindi naman ako nagrereklamo ngayon kahit mag-isa lang ako. Kinasasaya ko pa nga dahil nahahawakan ko talaga siya.

Nagsalita uli siya.

"Anong plano mo ngayon, 'wag mong balewalahin si Espina Kian... sinasabi ko na sayo, papatayin ka niya lalo pa na may kaugnayan ka pala sa kinakasama niya."

"Pero Sir, hindi niya mahal si Linda... sinasaktan nga niya ito kaya gustong iwan ng mag-ina." dahilan ko. "Matagal na kaming walang komunikasyon... may pamilya na ako at awa na lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya ngayon." Napahawak ako ng mabuti sa anak ko. "Nagpatulong lang siya sa akin para iwan sandali ang anak niya."

"Buti kung papakinggan ni Espina ang ganyang rason." sinulyapan niya ako dahil kinuha niya ang remote ng tv at ini-on ito. "Hindi na nga niya mahal o pwede nating sabihing hindi niya minahal ang babae, pero sa ganyang tao, sa kanya... insulto ang iniiwan siya ng babae."

Hindi ako makapagsalita, naiintindihan ko ang sinasabi ni Sir Danny ngayon.

Ano bang gagawin ko, kailangang bukas ay makaka-alis na ako dito. Nakakahiya naman sa kanya.



Hindi na ako kina-usap ng pulis na ito dahil sa TV Patrol na siya nakatutok. Isang door bell lamang ang nagpalingon sa kanya sa panunuod at lumapit ito sa pintuan. Sinilip muna niya sa kabilang silipan ang tao sa labas bago niya ito binuksan. Pulis nga talaga, laging nag-iingat.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon