Hiling-39

3.5K 62 0
                                    

 .

.

.

     Naging normal ang isang linggong dumaan sa buhay ko at ng anak ko. Kahit papaano'y na-aappreciate ko ang buhay dahil kay Kenneth. Madalas kaming bumisita kina lola pero nalulungkot lang ako sa matabang trato ni lolo sa kanya.

Kasalukuyan kaming nagmemerienda sa sala nila lola nang may humintong sasakyan na parang tractor trailer truck. Mula sa front seat nito'y bumaba ang isang matangkad at maputing babae na nakasando lang at short na hanggang gitna ng hita ang haba. Mula din sa likod ng truck ay lumitaw ang apat na lalaki.

Napalingon ako nang magsalita si lolo.

"Si Mrs. Olivar ang dumating... halika Kian at nang magka-usap kayo ng personal." yaya niya sa akin.

"Tingnan mo ang babaeng 'yan, mga lalaki lahat ang kasama pero kung makadamit ay pagka-iksi- iksi."

"Ang lola mo talaga iho galit sa mga sexy at magagandang babae ha haha!" tawa ni lolo.

Napangiti din ako sa sinabi ni lolo. Sabagay kung titignan sa malayo si Mrs. Olivar ay aakalain mong dalaga pa ito. At 'di maikakailang talagang maputi siya at sexy.

Palapit na kami sa nag-uumpukang mga lalaki at kausap nila si Mrs. Olivar nang mapalingon siya sa amin. Napunta sa amin ang atensyon niya kaya lumingon riin ang mga lalaki. Masaya kaming binati ni Mrs. Olivar at sa akin nakatingin. Alam ko na ang mga kakaibang tingin na 'yun dahil ilang beses ko na 'yan nakita sa mga kakabaihan.

"Sir... kumusta po?" kamay niya kay lolo.

"Mabuti naman... siya ngapala, eto si Kian ang may-ari ng bahay." pakilala niya sa akin.

Halatang nagulat si Mrs. Olivar sa sinabi ng matanda. Maya-maya pa'y lumitaw ang isang ngiti at inilahad ang kamay sa akin. Inabot ko naman ito.

"Kayo po pala si Sir Kian..." ngiti niya sa akin. "Paano po, lilipat na sana ako ngayon Sir kasi panggabi na po ang duty ko."

Tumango ako.

"Walang problema, nalinisan ko na 'yan 'nung nakaraang sabado pa."

"Salamat po..." nilingon niya ang mga lalaki at inutusan na ang mga ito. "Guys start na kayo..."

Kumilos naman ang apat at pumunta sa likod ng sasakyan.

Napatingin ako sa taas ng truck nang mula doon ay bumaba ang isang babae at inaabot ang isang batang babae na tatlo o dalawang taon pa lang siguro ang tanda. Pagka-baba nito'y mabilis na tumakbo kay Mrs. Olivar at yumakap sa mga hita nito.

"Hello darling..." pinilit nyang humarap sa amin ang bata. "Say kumusta po to your new tito's"

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon