Hiling-47

3.4K 73 0
                                    

.

.

.

      Dahil sa ginabi kami kagabi ay past 9 na ako nagising. Kung hindi pa sa iyak ni Kenneth ay hindi ako magigising. Marahan na akong bumangon at mabagal na pumunta sa kusina. Wala nang laman ang thermos na pinapasok ko sa kwarto tuwing gabi, naubos. Tinignan ko ang thermos sa kusina, wala ding laman kaya kumuha na ako ng kettle para magpainit ng tubig. 

Nailagay ko na sa kalan kaya binalikan ko si Kenneth na nasa kama pa rin at umiiyak. Siguradong gutom na ito, kumuha ako ng apat na kutsara ng cerelac niya at dinala sa kusina. Doon ko na titimplahin ang pagkain at gatas niya.

Paroo't parito ako habang hinihintay ang pagkulo ng tubig, natatakot kasi akong baka mahulog ang bata. Ilang minuto pa ay kumukulo na ito at kinuha ko na. Nagsalin ako sa maliit na mangkok para doon ihalo ang cerelac at nilagyan ko na ang feeding bottle niya ng mainit na tubig.

Habang nagtitimpla ako'y namataan ko ang maliit na papel sa dulo ng mesa. Parang may nakasulat dito, kinuha ko at binasa.

Napangiti ako sa nilalaman nito.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang trabaho dito ay....

                               Kumain, magpahinga, matulog at maligo!

                                                                       

                                                                                                                                                  Joey :-)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Napapailing akong bumalik sa loob dala na ang mga pagkain ni Kenneth.

Pinabangon ko siya at dahan-dahang pinakain. Mamaya na ako maghahanda ng pagkain ko 'pag napaliguan ko na siya. Ganito na ang trabaho ko sa buhay, totally hands on talaga ako sa anak ko kaya kahit papaano'y proud din ako sa sarili ko, bihira lang kaya ang mga lalaking marunong mag-alaga ng bata.

         Pasado alas onse na nang matapos ko si Kenneth, iniwan ko siya sa sala na naglalaro ng mga bola. Mabilis akong naghanap ng pagkain, napailing ako sa natirang ulam ni Joey. Hotdog lang, siguro ito lang ang alam nyang lutuin.

Nagluto lang ako ng noodles na may sabaw dahil papainumin ko si Kenneth nito. Malapit na syang mag one year kaya nakakakain na siya ng dinurog na kanin, isda, gulay at ito nga sabaw ng noodles.

Natapos agad akong kumain at pinuntahan ang bata sa sala. Habang naglalaro siya ay isinisingit ko ang pagpapainum sa kanya ng sabaw.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon