Hiling-15

7K 96 4
                                    



    Nasundo na nga ako. Ganda ng kotse niya, hummer na pulang-pula. Akala mo astig ng may-ari 'yun pala ang ganda lang.

Hindi na siya pumasok sa bahay 'nung sunduin ako, hinintay na lang niya ako sa labas. Inihatid ako ni Kim pero alam ko, curios lang siya sa babaeng sasamahan ko.

Nang sumilip si Cythia sa bintana ng sasakyan niya ay nagulat ang kasama ko.

"Naku pare, 'yan ba?" napahigpit ang kapit niya sa balikat ko.

"Oo pare,"

"Hi... " bati sa kanya ni Cynthia.

"Hello... Kim," kaway ng kaibigan ko sa kanya.

"Pare, ang swerte mo... parang nanalo ka sa lotto," 

"Pare, idalangin mo na lang ako."

"Sige na, sumakay ka na baka mainip 'yan at iwan ka," tulak niya sa akin. "Kita na lang tayo, ingat kayo sa pag-uwi." sinilip naman niya si Cynthia.

Umalis na nga kami...

Habang nasa daan kami ay paminsan-minsan ko siyang nililingon.

"Bakit?"

"Wala lang, natatakot lang ako na baka magbago ka ng desisyon,"

"Ha, haha! ako nga ang kinakabahan na baka umayaw ka ei," lingon niya sa akin.

"Cynthia sa kalagayan ko ngayon... anong dahilan para ayawan kita, sinagip mo ako sa putik na kinaroroonan ko,"

Ngumiti siya akin.. "Tutulungan kita Kian.."

Pumasok kami sa isang mall, sa Dragon Centre. Nagparking lang kami at sabay nang pumasok sa loob, akala ng mga  tao'y totoong magsyota kami o mag-asawa, daming nakakapansin sa amin.

Hindi naman sila nagsasalita pero alam ko na ang nasa isip nila, bagay kami.

Una naming pinasukan ay furniture, namili na kami ng kama, aparador, sofa, mesa at kung ano pang nagustuhan ni Cynthia, kinukuha niya. Ako naman ay tatango lang at iiling kung tatanungin niya sa mapipili niya. Umabot ng 260 thousand ang nabayaran niya. Binubulungan ko siya na 'wag 'yung mamahalin ang kukunin niya pero sinisimangutan lang ako.

Binigay niya ang address ng bago naming bahay para ideliver ang pinamili namin.

Sunod naming pinuntahan ay kitchen wears, mukhang lahat yata ng nakadisplay ay kumuha siya. Mahilig raw syang magluto.

Pumasok naman kami sa grocerry store. Dalawang cart na ang dala namin, isa sa akin at isa sa kanya. Lahat kinuha, parang nagtatapon lang ng pera ang babaeng ito. Sa isip-isip ko habang napapatingin lang sa ginagawa niya.

Last na pinasukan namin ay garments store. Kunti lang ang binli nyang damit para sa kanya.
Ako ang binilhan niya ng marami, mula brief, sando ko, t-shirts, damit na panglakad, polo, mga short, jeans, at  kung anu-ano pa. Umabot na nman kami  ng 190 thousand.

"Wala ka na bang gustong bilhin Kian,"

"Cynthia, sobrang dami na 'yang kinuha mo sa akin... 'di ko  yata masusuot lahat ng 'yan,"

"Sobra ka naman, magda-date tayo lagi para masuot mo 'yan," natatawa niyang biro.

"Halika, may pupuntahan pa tayo... magrelax lang ng kunti. Napagod ako sa pamimili natin," hinila na niya ako papuntang  parking lot habang nakasunod lang sa amin ang dalawang box boy na nagtutulak sa lahat nang binili namin.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon