Hiling-34

3.6K 62 6
                                    

.

.

.

     Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Hindi ako makatulog kagabi sa mga problema ko. Si Rebecca pa rin ang nangunguna sa isip ko. Paano na kung tuluyan akong matali sa piling ni Aimee?

Tumihaya ako, nakatingin sa kawalan. Anong gagawin ko?

Si Rebecca ang mahal ko at nasa puso ko pero mawawalan ng halaga ang magiging anak ko. Magiging bastardo siya katulad ko.

Ewan 'di ko alam! Paano ko ipaglalaban si Rebecca, wala siya dito...

Hindi ko alam kung iniwan na niya ako o babalik pa. Nawala na lang syang bigla, sa araw pa nang pagtatapos ko.

Si Aimee, lalo na ang ipinagbubuntis niya... nandito lang. Simula pa noon, nandyan lang sa paligid si Aimee. Siya ang nasa harapan ko 'nung magkasakit ako. Iisa lang ang ikinakagalit ko sa kanya ngayon- niloko niya ang pagkatao ko. Wala akong paki-alam sa kanya. Ang nasa puso at isipan ko ngayon ay ang magiging anak ko.

Napalingon ako sa pinto, may kumakataok...

Ayuko sanang pagbuksan dahil baka si Aimee na ang nasa labas at sinusundo na ako. Ngunit narinig ko ang boses ni Joey, kaya dahan-dahan na akong bumangon.

Nakangiti itong pinagbuksan ko, may dala-dala syang mangkok. Kusa na syang pumasok.

"Nagluto si lola ng mainit na sabaw, pinahatiran ka niya sa akin." tumuloy siya sa kusina.

Sumunod naman ako.

"Salamat ah, ngayon lang ako nagising..." sumandial ako sa pintuan at sinuklay-suklay ng mga darili ko ang magulo kong buhok.

Napansin ko si Joey na mataman niya akong pinagmamasdan.

"Bakit...?" tanong ko.

Napakislot siya sa pagsalita ko.

"Ha.. a.. e.. ang pangit mo pala kung bagong gising." sabay talikod niya sa akin. Kumuha ng mangkok sa cabinet, isasalin siguro niya ang dala niya.

"Ako na..." at lumapit ako sa kanya

"Hindi... ako na." nakangiti syang tiningala ako. "Ngapala, labas tayo mamaya... aalis na kasi ako bukas."

"Ha, akala ko dito ka na mamalagi?" nabigla kong tanong.

"Hindi raw na-aprobahan ang resignation ko sa comapny namin. Tsaka naboboring na rin ako dito, babalik na lang ako..."

"Paano sila lola?"

Sa totoo lang ayaw kong umalis siya, naging magkaibigan na kami at ang sarap nyang kausap. Lahat nasasabi ko sa kanya ang tungkol kay Rebecca at sa mga  damdaming nasa loob ko. Hindi siya 'yung taong magbibigay sa'yo ng negative outlook.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon