Hiling-20

4.7K 84 5
                                    

.

.

.

    Buong araw ay naabala ako sa klase, nalimutan ko saglit ang nangyayari sa amin ni Cynthia. Mamaya so-sorpresahin ko siya ng luto ko, balak ng isip ko.

Napaangat ang ulo ko nang may makita akong dumating at tumayo sa harap ko. Nakita ko ang gaganda ng maliliit nyang kuko sa paa.

"Hi Kian, can I join you?" nakangiti siya sa akin.

Tumango ako bilang sagot. Kumakain kasi ako ngayon sa canteen, hindi na ako bumili ng pagkain kasi sapat nang ginawa ni Cynthia na baon para sa akin.

Naalala ko siya. Tawagan ko kaya... balak ko pa lang sana pero, nagsalita na itong katabi ko.

"Gusto mo?" alok niya sa akin, pansin kong dalawa ang spaghetti niya sa tray, dalawang leche plan at dalawang coke in can.

"Salamat pero nagbaon ako,"

"Kalalaki mong tao, nagbabaon... its cheap ok,"

Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.

Nagsalita siya uli.

"You know, when Kian died, he said he will come back,"

Napalingon ako sa kanya.

"Yeah, he died last year... a cancer in liver."

Napalunok ako, napapagkamalan niya akong namatay nyang boyfriend. 

"May asawa na ako miss." uunahan ko na lang siya.

"Aimee... and I know, Kian was engaged also..."

Baliw ba ang babaeng ito, naiinis na ako. Nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.

"Do you believe in reincarnation?"

Kumunot ang noo ko.

"Reincarnation, 'yung mamatay ang isang tao 'tos papasok ang kaluluwa niya sa ibang tao, ganun," uminom siya ng softdrink.

Tumayo na ako. Baka mabaliw din ako tulad ng isang ito.

"Aimee, hindi ako ang namatay mong boyfriend ok, ibang Kian na ako..." paintindi ko sa kanya.

Nakita kong lumungkot ang kanyang mga mata. Pero hindi ko na pag-aksayahan ng oras ang babaeng ito, maghanap na lang sya ng kausap. Problemado din ako...

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon