Hiling-29

3.8K 69 2
                                    

.

.

.

      Pakiramdam ko ang haba ng tulog ko. Pagdilat ko ngayon ay nasa isang kwarto ako, puti lahat ang nakikita ko sa paligid ng dingding, kisame, telang nakatakip sa akin hanggang leeg at pati ang maliit na mesa sa gilid ng kama ko ay puti rin ang pagkakakita ko.

Narinig kong may papasok sa silid ko, naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

Pagbukas ng pinto ay pumikit ako para hindi malaman na gising ako.

"Doc. is't possible that he'll wake-up this week... natatakot na po ako." sabi ng babae. Pamilyar ang boses niya pero hindi ko matandaan kung kanino.

"We will wait Miss dela Rosa, wala tayong magagawa kundi ang maghintay. His head was too much affected by the collision happened in the accident."

"His leg Doc//. hindi po ba maaapektuhan ang paglalakad niya?"

"We will take some exercise in our physiotheraphy department, kung may problema sa paglalakad niya... malalaman natin paggising niya."

"Sana Doc. maging ok ang lahat..."

"We will Miss dela Rosa..."

Naramdaman kong umalis na ang tinatawag nyang Doctor., naramdaman ko namang umupo siya sa gilid ko at kinuha ang aking kamay.

"Baby... gising na..." bulong niya sa akin.

Sino ba siya at tinatawag niya akong baby. Gusto ko nang dumilat ngayon pero nawalan na ng lakas ang mga mata ko. Gumalaw ang mga kamay ko at naramdaman kong napabalikwas siya.

"Kian... Kian?" tanong niya sa akin.

"Hemmmm..." habang pinipilit ko pa ring imulat ang mga mata ko.

"Teka lang ha, tatawag ako ng Doctor, " nagmamadali na itong lumabas ng silid.


Nadatnan nila akong naka-upo na at nakasandal sa head board ng kama. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Hindi kagaya kanina na nakikita ko ang paligid.

"Doc. here he is..." hangos pa ng babae.

"Kian... naririnig mo ba ako?"

Tumango ako para sumagot. Parang mabigat din ang mga panga ko para magsalita. Lahat yata ng parte ng katawan ko'y hindi na gumagana.

"Kian, si Aimee to', singit ng babae.

Nangunot ang noo ko. Umiling ako ng ilang ulit para maintindihan nilang wala akong kilalang Aimee. Tumahimik ang dalawa sa harapan ko. May nasabi ba akong mali? Tinatanong ko lang naman kung sino si Aimee, hindi ko kasi kilala.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon