Hiling-14

4.8K 86 1
                                    


Nagising ako, parang may yumuyugyog sa balikat ko.

"Kian, gising na... alas dyes na oh, almusal na tayo nagugutom na ako,"

Iminulat ko ang kaliwa kong mata. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig at nakaharap sa akin. Ganda niya talaga.

Ngumiti ako.

"Good morning."

"Bangon na, at nang makakain na tayo," ngiti niya sa akin sabay tayo.

Bumangon na rin ako at umupo.

Tinitingnan ko lamang siya, 'yun pa rin ang suot niya kagabi. Naghahanda yata siya ng pagkain sa mesa.

Litaw na litaw ang hubog ng katawan niya.

Magiging asa-asawa ko ba 'to?

"Hoy, anong tinitingin-tingin mo dyan?" nangingiti nyang tanong.

Nakatingin na pala siya sa akin.

"Naiisip ko lang na magiging asawa ba kita? ang ganda ng asawa ko ha," pagbibiro ko sabay tayo.

"Ha haha! 'di ko pala alam na bolero ka," tumatawa siya, lalong gumaganda sa paningin ko.




Lumapit ako...

"Mukhang masarap ah, nagutom tuloy ako... ikaw ba ang nagluto?"

"Hindi, inorder ko lang, 'lika na," 

Umupo ako sa tabi  niya, napansin niya 'yun pero 'di na lang kumibo.

"Ngapala Kian, anong plano mo ngayon," ang cute tignan, kumakain 'tos nagsasalita. Parang hindi mayaman kung umasta.

"Uuwi muna ako, magpapaalam kay Kim at Mama Rosa... kung hindi papayag si Mama, tatawagan kita ha para kayo mag-usap,"

"Sure, sana pumayag na 'yun, excited akong mamili ng gamit sa bahay natin. Sunduin kita mamaya ha.. samahan mo'kong mamili,"

"May kinuha ka na palang bahay ah... sigurado ka talagang papayag ako?" 

Kinindatan lamang niya ako at masaya na kaming kumain.

Naiisip ko.... hayyy kakaibang babae si Cynthia.

Ano kaya ang mangyayari sa amin?





1:30 na nang idaan niya ako sa kanto namin.

Gusto niya, mamayang pagsundo niya sa akin ay dalhin ko na ang mga gamit ko. 'Yun din naman ang balak ko. Timing na nandoon si Mama Rosa at may kasamang lalaki, si Kim naman ay kararating  lang niya mula sa isang customer.

"Aba Kian, mukhang tinanghali ka na yata... ok ba?" si Kim.

"Anak, kumusta si Miss Quijano?"

"Mama bakit 'di niyo sinabi na 'ganun pala si Cynthia?" umupo ako sa mesa.

"Bakit pare, tuyo na ba ang pekpek niya ha haha!" si Kim uli.

Seryoso kong nilingon si Kim na nagsenyas pa ng peace sa akin.

"Yun ang bilin niya sa akin ang 'di sabihin sa'yo ang itsura niya, ito na pala ang pera mo 40k sa akin ay sampu ha,"

"Sa'yo na 'yan mama, sasama na po ako sa kanya... ok lang po ba 'yun sa inyo?"

"Anong ibig mong sabihin Kian,"

"Magtatrabaho po ako sa kanya,"

"Pare kung malaki ang bigay, pumayag ka na..." singit ni Kim.

"Payag po ba kayo na sasama ako mama?" 'di ko na pinansin si Kim, si mama ang importante sa akin ngayon.

"Kung 'yan ang desisyon mo Kian, wala akong magagawa.." matamlay na ngayon si mama.





       Ako naman ay sumaya ang mukha. Madaling kausap naman pala ang baklang ito. Inayos ko lang ang bag ko. 'Yung ibang gamit na binili nila Victor sa akin ay iiwan ko na kay Kim. Baka 'yun ang nagpapamalas sa akin. Binigyan ko si Kim ng limang libo, ayaw niyang tanggapin pero ipinilit ko na. Pasasalamat at tinulungan niya ako at ngayon nga ay nakilala ko pa si Cynthia.

Nagpabili ako nang makakain, nalaman kong hindi pa pala sila nakapagtanghalain. Dalawang buong litsong manok ang binili ni Kim sa labas, tatlong litrong pepsi, prutas at iba't ibang chichiria.

Tinawagan ni Kim si Boyet para magpasundo dahil madami syang binili. Kapareho din pala namin ang Boyet na 'to, bayaran din.

Samantala si mama, seryuso kaming nag-uusap.

"Kung magkaproblema ka, tawagan mo ako ha,"

"Opo mama, sana po maganda itong papasukin ko... tingin ko naman kay Cynthia, mabait at totoo siya sa mga sinabi niya,"

"Sana anak, parang imposible 'yung alok ni Cynthia ano, kay gandang bata at gagawin niya ang mga bagay na 'yun."

Nang dumating sina Kim ay kumain na kami at nanuod ng mga pelikula hanggang sa tumawag na nga si Cynthia.

"Musta Kian, pumayag ba si Rosa?"

"Oo, wala namang problema. Ibinigay ko na lahat sa kanya 'yung bayad mo,"

"Ok, no probs... susunduin na ba kita dyan?" mukhang excited ah, pansin ko sa boses niya.

"Kung ok lang sayo, ako na lang ang pupunta diyan sa 'yo,"

"Ako na, dahil dederitso na tayong mamili ng mga gamit natin ok,"

"Ganun ba, sige hintayin na lang kita dito. Tawagan mo na lang ako pagdating mo sa kanto,"

"Ok, see you!" masigla nyang paalam.

'Tahimik kong ibinaba ang cellphone ko habang ang tatlo ay nakatingin sa akin. Ngumiti ako at tumutok sa pinapanuod namin, 'di pa rin ako makapaniwala sa nangyayari.

At sa babaeng dumating sa buhay ko.

.


HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon