Hiling-33

3.4K 63 5
                                    

 ( You and I will meet again, when we're least expecting it. One day in some far off place... I will recognize your face, I won't say goodbye my love... For you and I will meet gain...     kiztah_20 )

.

.

.

    Lumipas ang mga araw na naging normal ang buhay ko sa bahay namin. Lagi ko lamang kakwentuhan ay ang kapitbahay kong matatanda at ang apo nilang si Joey. Sa bawat araw na magdaan, nandito sa puso ko ang panalangin na sana dumating na siya. Bilang na bilang ko ang takbo ng araw dahil sa wala akong ginagawa.

Ilang beses ko na bang inayos ang mga damit niya. Niyayakap ang bawat isa na kumbaga'y nasa tabi ko lang siya.

Naiisip ko na rin ang magtrabaho. Marami na ang nabawas ko sa ATM namin, nakakahiya naman sa kanya 'pag malaman niya ito. Tinitignan ko ngayon ang calling card nang nakabundol sa akin. Cristina dela Fuenta- Exec. Manager of the Menego Travel and Tour Agency ang nababasa ko ngayon. Ang layo nito siguro, kahit hindi ko alam ang location ay natitiyak kong malayo dito sa Quezon City.

Anong oras na ba, tanong ko sa kawalan. Ganito na ang buhay ko, kain tulog walang trabaho. Alas dos na ng hapon, kumakalam na naman ang sikmura ko. Hindi ko ba alam, ngayong wala akong ginagawa ay siya namang bilis kong magutom.

Pumunta ako sa kusina, nagtuloy sa refregirator. Wala na namang laman.

Pumunta kaya ako sa Kem's Market. Doon ako mag-gogrocerry dahil mas mura kumpara sa maliit na tindahan. Saka bibili ako ng cellphone kahit 'yung mumurahin man lang. Balak kong pumunta kina Kim bukas, kukumustahin ko lang ang kalagayan niya. May tampo rin ako sa isang 'yun, hindi man lang niya ako hinanap. Naloko tuloy ako ni Aimee...

Kumuha lang ako ng pepsi at bumalik na sa kwarto. Nagagaya ko na rin ang style ni Rebecca, nagkukulong lang sa kwarto at nanunuod ng tv. 

         Naalimpungatan ako sa narinig kong sunod-sunod na busina sa harap ng bahay. Hindi pa rin ito tumitigil kaya bumangon na ako, nakatulog pala ako sa panunuod ng tv. Tumayo ako at lumabas sa kwarto, tumuloy na ako sa pintuan ng sala. Lalabasin ko sila.

Napakunot noo ako nang makilala ang driver nang nauunang kotse, si Aimee.

Agad akong lumapit sa maliit naming gate. Anong ginagawa niya dito kasama ang isa pang sasakyan na Land Cruiser na itim. Nakatingin lang si Aimee sa akin.

Napatingin ako sa itim na sasakyan, ito ngayon ang nagbubusina. At mula sa loob ay bumaba ang isang lalaking nakabarong tagalog. Mabilis itong lumapit sa bakod.

"Kian... Kian Montenegro?" tanong nito sa akin.

"O-oo." sagot ko. Ano ba ang meron?

"Pagbuksan mo kami, ayaw ng amo ko ang naghihintay."

Hindi ako kumilos, bakit ko sila pagbubuksan? Hindi ko alam ang nangyayari, ano ba ang sadya nila sa akin? Ilang sandali pa'y lumabas ang kalahating katawan ng isang matandang  lalaki mula sa bintana ng sasakyan.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon