Hiling-46

3.6K 62 1
                                    




        Galit akong pumasok sa kwarto na itinuro ni Joey sa akin. Saan ba ako nagagalit, sa kanya o sa sarili ko. Malamang sa akin, bakit naman ako nagagalit? Ay ewan! Basta nagagalit ako sa pader na unti-unting nabubuo sa pagitan namin.

Iniwaksi ko na muna ang iniisip ko nang makapasok ako nang tuluyan sa kwarto. Inilibot ko ang paningin ko dito, malaki... pwede na sa tatlong tao. Nilapitan ko si Kenneth na inilapag ko sa malambot na kama. Umupo ako para matignan siya habang binuksan ko ang mga dala namin. Mag-aayos ako ngayon dahil alam ko sa sariili ko na magtatagal ako dito. 90 na araw, ewan ko lang sa ano mang sasabihin ni Sir Danny sa akin.

Isa-isa ko nanag nilagay sa cabinet ang mga damit namin ni Kenneth. Pinaghiwalay ko ang bawat isa sa amin para madaling hanapin kung nagmamadali.

Tinignana ko ang oras sa relo ko 9:11 am pa lang. Hindi ko pa na-adjust sa oras dito. Naghanap ako ng orasan sa bahay at pagkalabas ko'y nakita ko agad ang wall clock sa taas ng malaking stand, 11:56am na.

Napahawak ako sa tiyan ko, gutom na ako. Saan ba mapupunta ang kakarampot na pagkain sa eroplano?

Nagpasya akong magluto, kinuha ko muna si Kenneth sa loob at dinala sa kusina. Inilapag ko siya sa mesa na sa tabi nito'y refregirator. Atleast dito malayo siya sa hulog. 

Binuksan ko na ang ref. ni Joey. Napataas ang kilay ko, alam kong hindi marunong magluto si Joey pero makita mo ang loob ay punong-puno ng prutas, gulay at iba pang frozen foods. Binuksan ko ang freezer nito sa taas, may manok, karneng baka at mga hotdogs and sausage. Kumuha ako ng kalahating hiwa ng manok. Nilagay ko ito sa maliit na palanggana at nilagyan ng tubig. Papalambutin ko para mahiwa ko ng maliit mamaya.

Magluluto ako ng chopsuey.

Inilabas ko na rin ang mga kakailanganing gulay at isa-isa itong hiniwa ayon sa karapat-dapat na sukat. Nangingiti ako sa itsura namin ngayon, sa tabi ng gulay ay ang tahimik at naglalarong si Kenneth. Ang hirap din ng single parent. Napatigil ako sa paghihiwa nang may pumasok sa isipan ko. Dali-daling akong lumabas ng kusina at patakbong kinuha ang cellphone ko sa kama sa loob ng kwarto. 

Kukuhanan ko si Kenneth sa ganoong sitwasyon.

Pagbalik ko'y tinatawag ko siya para mapatingin sa akin at sunod-sunod ko nang pinisil ang  click button ng camera. Tinignan ko ang mga kuha ko, ang cute ng anak ko. Ika nga'y photogenic, parang alam na alam na kukunan siya ng litrato.

       


          Nagsimula uli akong maghiwa ng mga gulay. Ang tahimik naman ng paligid kaya naisipan kong maghanap ng radio sa sala. Wala, kaya bumalik uli ako sa kusina. Pagpasok ko pa lang ay namataan ko ang maliit na radio na nakapatong sa isang plastic chair. Kinuha ko ito at isinaksak sa kalapit na outlet.

Ok, gumagana ito.

Hinanap ko ang FM Station at naghanap ng english songs, wala naman puro spanish yata o latino. Naghanap pa ako at sa bawat simula ng tugtog na hindi ako familiar ay inililipat ko agad. Napatigil ako sa isang mahinang tugtog, bumalik ako sa station na 'yun at laking gulat ko nang makilala ang kanta.

Anong ibig sabihin nito?

Tahimik akong bumalik sa mesa at naupo. Umeere na ang bawat kataga sa kantang hinding-hindi ko malilimutan.

 I look into your eyes, so far away... There's trouble on your mind

 You're losing faith... Hey now, let me hold you
                                 
It'll be okay... Coz I will love you

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon