Hiling-45

3.3K 67 3
                                    



Nasa tourist section ang upuan namin ni Kenneth kaya hinanap ko na ito. Nakita ako ng isang stewardess at tinulungan akong mahanap ang upuan ko. Since inirequest ko kay sir Danny na dalawa ang kukunin kong upuan para kahit manganay ako'y pwede kong bitiwan si Kenneth paminsan-minsan, kaya ito na. Sa katabing upuan ko na lang inilagay ang bag pack namin.

Narinig ko nang may nagsalita, magta-take off na raw kami...

Pumikit ako, ito ang unang beses na makasakay ako ng eroplano at sa malayong lugar pa talaga kami pupunta. Naramdaman ko nang umangat ang eroplano kaya niyakap ko na nang mahigpit ang anak ko. Ramdam ko ang paggalaw kaya nagising ang natutulog na bata, inaliw ko na lang siya para makatulog uli.

Ilang minuto pa'y tumahimik na ang lahat, wala na rin akong nararamdamang malakas na paggalaw. Iminulat ko ang mga mata ko, medyo madilim na ang paligid. Alas singko pasado pa lang ng umaga kaya karamihan sa mga pasahero ay natulog uli.

Napalingon ako sa imahe na nasa unang hilera at ikatlo sa upuan. Nasa bintana kasi ang nakuha ko at kay Kenneth naman ay sa gitna.

Ngumiti siya sa akin.

"Is that your son?" sabay tingin niya sa kinakandong kong bata.

"Yes." tumango ako.

Napapangiti ako sa naiisip ko. Naku! mauubos dito ang mga tinatago kong english! Marunong ako magsalita pero 'pag nasa actual situation na ay nabablangko ang dila ko. Minsan ay nabubulol ako, minsan naman ay iniisip ko pa ang dapat kong isagot o sabihin.

Napatingin uli ako sa katabi namin nang gumalaw ito at dumukwang para makita nang maayos si Kenneth.

"Ilang taon na siya, ang lusog ah..." nasasayahan syang pagmasadan ang anak ko.

Nagulat ako nang magsalita siya ng tagalog, pure tagalog talaga ah na wala ang tinatawag na slang.

"Pinoy ka pala, akala ko ibang lahi dahil sa itsura mo." nakangiti kong pahayag, tinignan ko rin si Kenneth. "Mag-e-eight months na siya sa february..."

"Ha haha! maraming nagkakamali dahil sa itsura ko." tawa niya at bumalik uli sa pagkaka-upo nang maayos. "Nanay ko ay taga Bulacan at father ko'y pure hispanic or spaniards." Sumandal siya. "Sa Madrid na ako nakatira and I missed my two boys because of him." lingon niya kay Kenneth "Ang bunso ko'y kasing edad lang siguro niya."

Tumango na lang ako dahil wala akong alam na sabihin, iba rin ang lalaking ito. Kalalaking tao nga pero makwento, parang babae.

"Ikaw?" lingon niya sa akin. "Sinong pupuntahan niyo, asawa mo?"

Natigilan ako, ano bang dapat kong sabihin? 'Yung totoo o sabihin ko na lang na "asawa" ko si Joey.

"O-oo, bibisatahin namin ang mama niya..."

"Ahhhh... saan ba ang Mrs. mo sa Spain, sa Madrid ba?"

"Oo, pero hindi ko alam sa Madrid, susunduin lang niya kami sa airport."

"Ahhhh." patangu-tango siya sa mga sinabi ko.



Nagkunwari akong natulog para maka-iwas sa lalaking katabi namin. Lahat ng tao ay natutulog o 'di kaya'y tahimik pero kami, nagdudulot ng ingay ang pag-uusap namin dahil sa kanya.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon