Hiling-52 The Wedding

3.6K 67 1
                                    



Rebecca's pov...


"Sis help naman diyan..." tawag ko sa sister in-law. Nakamake-up na rin siya and masasabi kong my brother's had a right decision.

Napakaganda niya sa suot nyang light pink backless gown.

"Bakit anong problema?" lapit niya sa akin.

"I can't pull it up eh... perfectly fitted naman 'to sa akin." I turned and held my breath. "Just 'zip it sis'."

"I think you already gained weight Becca..." pahayag niya.

"Is that so?" parang hindi ako makapaniwala na with in a few days tumaba agad ako.

"Yeah it is... if your body, mind and heart are healthy..." ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Congrats sis'... this is your day darling..."

"Thank you Fellice..." ganyan ko siya tawagin pati na rin si Kian ay gumaya na rin.

Pareho kaming napalingon nang bumukas ang pinto at iniluwa si Kaye na nakabihis na rin.

"Ahemm can I come in?" nagpose pa siya sa may pintuan. "What can you say about my looks... is it alluring ah?" tanong pa niya habang papalapit sa amin.

Napapailing ako sa kaibigan kong ito. Ewan ko ba kung bakit naging maging magkaibigan kami eh hindi naman kami same in behavior. But infairness naman masaya syang kasama at nagkakasundo kami.

"Naman Kaye... 'wag ka na lang kaya magbra, kita na ang apple mo oh ha haha." Sa see through gown niya ako nakatingin.

"Ah Becca, I have to go kasi titignan ko pa ang mga bata..." Singit ni Fellice sa akin at lumingon rin kay Kaye. "Sayo' rin Kaye..."

"You look wonderful..." sagot naman ni Kaye.

Ngumiti lang si Fellice at humalik sa akin. Tahimik na syang lumabas ng kwarto.

"Alam mo kahit mahinhin 'yan ang lakas makasabunot ah," napapailing na umupo si Kaye sa harap ng salamin. "I thought Paul was my life... hindi pala." nakita kong napabuntong hininga siya.

"Sabi mo nga it's not yet your time...." lumapit ako sa kanya at bumulong. "Someone's out there is just waiting for you..."

Tumayo siya at humarap sa akin.

"Sa tingin mo, ikakasal pa ako?" Kunwari'y malungkot nyang tanong.

"Of course naman... youre not yet old enough para maging hopeless." inirapan ko siya, ang oa nito. "At dapat sa kasal mo'y 'nandun ako ha... magagalit ako sa'yo."

Humawak siya sa braso ko at humilig sa balikat.

"Sana girl soon, malapit na..."




Kian's pov...

Nakatayo ako sa bintana at tinatanaw ang mga bisitang nasa garden na. Gusto ni Rebecca ang garden wedding kaya 'andito na ako sa Hotel Sheraton Madrid Mirasierra. Sa likod nito ay ang malawak na space kung saan pwedeng magdaos ng kahit anong event. May maliit na water garden ang dapat tawirin bago makapunta sa kabila. Ang ganda ng view kaya hindi ko rin masisi si Rebecca kung ito ang napili niya.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon