Hiling- 8

5.6K 88 2
                                    




"Pare pasensya na sa pugad natin ah," sabi ni Kim sa akin habang nag-aayos ng kama. Masigla itong nagliligpit ng mga nagkalat na gamit.

"Ano ka ba, ako ang dapat na humingi ng pasensya... nadidisturbo kita pare." tinulungan ko na rin siyang magligpit, ang burara naman ng isang ito. Ako, inaayos ko pa naman ang kwarto ko.

"To' talaga parang iba ka pa sa akin, pasasalamat ko ito sa'yo sa pagpapakopya mo sa akin," nakangisi niyang sagot.

"Ha haha! Gago ka talaga!," natawa ako sa sinabi niya.

Atleast kahit papaano'y nakakalimutan ko kung bakit ako narito. Seryuso kaming nag-uusap at hahaluan niya ng pagbibiro, ok ah. Ganyan si Kim masayang kasama, kwela, maingay pero mabait. At utang ko sa kanya ang pagkupkop niya sa akin ngayon.




 Kinabukasan, may pasok kami.

"Pare papasok ka ba?" tanong niya sa akin habang nag-aalmusal sa mesa na nasa isang gilid.

Nakapag-ayos na siya papuntang school samantalang ako, nakahiga pa rin. Mas pinili ko nang sa sahig matulog keysa dalawa kami sa kama niya. Single bed eh kaya maliit para sa aming dalawa.

"Di na muna pare, magpapalamig muna ako,"

"O sige, dito ka na lang ha, maghanap ka lang dyan' sa ref' nang makakain mo, nagluto na ako ng almusal." lingon niya sa akin. "Andun sa drawer ang remote ng tv at player, pili ka lang ng mga bala dyan... 'yung mga bold nasa ilalim ng mga damit ko," bilin niya.

Bumangon ako saglit para sa pag-alis niya.

"Sige pare, ingat ka na lang at salamat sa lahat," 

Sumaludo lang siya sa'kin at umalis na nga.





   'Nung mag-isa na lang ako'y binilang ko ang natitira kong pera 21,400 pesos. Kailangan kong makahanap ng trabaho, kakapusin ako. Magbibigay syempre ako dito sa bahay at matrikula ko pa. Kailangang magkatrabaho ako.

Alas-dyes ng umaga nang kumain ako ng almusal, ramdam ko ang kawalan ng gana. Lumabas kaya ako, maghanap ng trabaho.

Tama lalabas ako!

Nakarating na ako bandang Baclaran sa paglalakad, alas tres na rin ng hapon. Nagugutom na ako, bumili ako ng tatlong kwek kwek at isang basong juice para malagyan man lang ang sikmura ko.

Tahimik akong kumakain habang tinatanaw ang mga building na nagkalat. Ang hirap maghanap ng trabaho. Hinahanapan ako ng ibat-ibang i.d. tsaka diploma kahit 'yung sa high school lamang raw, ang problema wala akong maipakita.

Umuwi na nga lang ako, baka 'andun na si Kim.

Hindi raw siya papasok sa gabi ei.





      Nakarating na ako sa Brgy. Kintas, sa isang kanto pa ang sa amin kaya binilisan ko na lamang ang paglalakad ko. Liliko na sana ako nang makita kong pababa ng trycicle si Kim.

Hinintay ko na lamang siyang makalapit sa akin.

"O saan ka pumunta, parang pawis na pawis ka pare?" tanong niya habang papasok na kami sa maliit na eskinita.

"Naghanap ng trabaho eh,"

"May nahanap ka naman?" sinulyapan niya ako habang naghuhubad ng polo.

"Wala nga eh hinahanapan pa ako ng kung anu-anong i.d.," napakamot ako sa ulo, malas talaga.

"Mahirap talaga sa ngayon pare,"

"Ikaw san' ka kumukuha ng pang-gastos mo, sabi mo dati ay naglayas ka sa inyo,"

"May kunting part time lang," maikli niyang sagot at pansin kong umiwas siya sa tanong ko. Oo nga naman, saan kumukuha si Kim ng panggastos niya?

"Di mo ba ako kayang ipasok diyan sa trabaho mo, kailangan ko ng pera pare,"

Tumigil siya sa paglalakad at matamang tumingin sa akin.

"Madumi ang trabaho ko Kian..." maikli niyang sagot at naglakad uli.

Napakunot noo ako, may masama ba sa tanong ko?

.


HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon