Hiling-25

4K 70 1
                                    

 

.

.

Rebecca's pov

.

.

      Nasa isang hotel ako ngayon sa city mismo ng Davao, dapat umuwi na ako last thursday. Pero pina-una ko na si Chris sa Manila, wala akong lakas para ipagpatuloy pa ang takbo ng buhay ko. But there's Kian na naghihintay sa akin. I decided to stay here for more days, I just want to be alone at isipin ang buhay ko.

Kung hindi ko lang nakilala si Kian maybe right now nasa office ako and continue my life na parang wala akong sakit na dinadala. At hintayin ko na lang  ang araw ng pagkamatay ko...

Pero ngayon, sumasakit ang puso ko, may isang taong tagos ang pagmamahal sa akin. Isang tao na nakita ko ang pagpapahalaga niya kahit "wala" ako. Isang tao na ipinadama sa akin ang kahulugan ng pag-ibig, pagpapahalaga at kaligayahan sa buhay.

How could I ever leave him, ngayong mahal na mahal ko na siya.

Tumingin ako sa ibaba, maraming tao ang naglalakad, puno ng sasakyan kahit saan ka tumingin at halos hindi mo na makita ang langit sa tayog ng mga building na nakatayo sa paligid.

Bawat isa sa mga taong 'yan ay may dinadalang problema.

Bumalik ang isip ko sa sarili ko, siguro hindi ganito kabigat ang problema nila sa akin. Siguro hindi buhay ang pinag-uusapan sa problema nila at siguro'y may solusyon sa mga ito. Sinulyapan ko ang mga findings ng doctor sa akin na inilagay ko lang sa mesa at hindi binasa. Kahit hindi sabihin ni Dc. Sanchez, I know malala na ako.

Ito ba ang pinunta namin dito, ang lalong madama ko ang takot at panghihinayang.

Sinamahan ako ni Chris sa bago nyang nakilalang specialist for cancer. Baka nagbabakasakali na may maitutulong siya sa paglunas ng sakit ko. Ayaw ko na sana eh, pero mapilit si Chris. Siya ang matapang na humarap sa kalagayan ko.

Naalala ko ang unang pagkikita namin ni Dr. Sanchez...

Maaga kaming pumunta sa Doctor's Medical Clinic dahil kami ang unang nasa appointment list ng doctor. Pero tanging ang secretary niya ang naabutan namin kaya naghintay na lang kami.

Magkahawak kamay kaming naghihintay ni Chris sa waiting area ng kanyang clinic. Ilang minuto pa'y dumating na ang hinihintay namin. Akala ko'y nasa mid-therties na ang hinihintay naming doctor pero laking gulat ko nang makita ko siya. Parang ka-edad lang namin at 'di maitatangging, magandang lalaki siya.

Tumayo si Chris at nagkamay sila.

"Pare, pasensya na sa paghihintay," sumulyap siya sa akin, "nakalimutan kong bibisita pala kayo, buti tinawagan ako ni Mae na nandito nga kayo,"

"Ok lang Tim, ngayon lang din naman kami dumating," nilingon ako ni Chris,"siya pala si Rebecca, kaibigan ko..."

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon