Hiling- 9

5K 89 2
                                    



    Nagulat ako sa ipinagtapat niya sa akin, isa pala siyang callboy. 'Yung tinatawag niyang Mama Rosa ay ang kanyang "manager" pala. Lagi raw 'yun sa mga gay bar, may dala-dalang litrato nila. 14 silang hawak ng bakla. Maganda raw magpalakad si Mama Rosa dahil mababa kumuha ng porsyento at alagang-alaga silang mga "anak" niya sa mga customer.

Bawat kuha raw sa kanila, ang pinakamababa ay 15,000 pesos ang halaga, depende pa sa oras. Mayayaman  kasi ang kadalasang customer nila. Maraming kilala si Mama, mapa-social persons man o diyan lang sa tab- tabi basta kayang magbayad ay wala nang maraing usapan.

May customer raw na uugod-ugod na'y mahilig pa rin. May sadyang maniac lang talaga at hindi makontento sa kapartner. May mga asawang sabik sa sex dahil laging wala ang lalaki kaya 'pag nasa ibang lugar si Mister, busy ang kanilang mga asawa sa iba.

Meron raw syang regular customer. Amoy lupa na pero tinitiis pa rin niya kasi ang laki raw magbigay ng tip bukod pa sa bayad.

Kung papasok raw ako sa pagiging callboy. Dapat matigas ang sikmura ko dahil ito na raw ang pinakamaruming trabaho sa mundo pero pinakamabilis namang paraan sa pagkuha ng pera.

Nag-isip ako.

Kaka-alis lang ni Kim kaninang alas syete may, customer raw. Iniwanan niya ako ng perang dalawang libo para pambili ko raw ng ulam. Kung titingnan lang si Kim, akala mo anak mayaman bagay kasi sa kutis niyang mestiso. Puro signature pa ang mga gamit... papasok kaya ako?

Hindi na ako mahihirapan sa buhay. Makakapag-aral pa ako ngunit ang kapalit 'nun ay pagkawasak ng pagkatao ko.

Pare dapat madeskarte ka dito sa Manila, mahirap ang buhay dito alam mo 'yan...

Sunod-sunod na dumaan sa isip ko ang minsang sinabi niya sa akin.





     Madaling araw na nang dumating si Kim, may mga dalang pagkain. Nagising ako dahil sa ingay ng sasakyan sa labas, kay Mama Rosa siguro.

"Pare gising, may dala akong pagkain, kain tayo," panggigising niya sa akin.

Kunwari'y natutulog pa ako. Inaninag ko siya na patuloy pa rin sa panggigising kaya bumangon na ako. Pumasok pala si Mama Rosa, nakita ko sa may pinto, nakaupo.

"Gandang gabi," bati ko.

"Mama 'lika na, kain na tayo... nagutom ako sa hayop na 'yun, ang dumi ng pwet pwe!," sunod-sunod ang subo ni Kim, halatang gutom nga talaga.

Lumapit na rin ako sa mesa, ganun din si Mama Rosa. Kumain kami. Binilhan raw siya nung bakla ng isang buong litsong manok, crispy pata, isang gallong icecream at mga prutas.

Pagkatapos naming kumain. Ang dalawa ay pumunta sa kama ni Kim, nagku-kwentahan ng pera. Ako naman ay tahimik kong inayos ang pinagkainan namin at 'yung mga natira ay nilagay ko lahat sa ref.

"Ma, binigyan niya ako ng tip," sabi ni Kim.

"Magkano naman anak, oh itong sa'yo ha 20k 'yan at ito naman sa akin lima," nakita kong iniabot ni Mama Rosa kay Kim.

"Thanks Ma', binigyan niya ako ng pito tos' ito pa ngang mga pagkain."

"Eh de' mabuti, tib- tiba ka sa araw na'to, itago ma na 'yan sa account mo at 'pag malaki na ang ipon mo, umalis ka na sa trabaho."

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon