Hiling-36

3.3K 60 6
                                    

 “Even if you are alive somewhere, the absence of the other person who used to be there beside you obliterates your presence. Everything in the room, even the stars in the sky, can disappear in a second, changing one scene for another, just like in a dream.” ".... iloveuso")

.

.

.

 "Rebecca....." tawag ko uli sa kanya habang pinipilit kong umupo sa nasampahan kong sofa. Hindi ko na kayang igalaw ang sarili ko sa tindi ng kalasingang nararamdaman ko. "Rebecca...." muling umagos ang mga luha ko sa pisngi ko. Wala akong ibang masabi kundi ang pangalan niya.

Hindi ko matanggap ang sinabi sa akin ni Kaye kanina...

 Parang echo na paulit-ulit na lang sumisigaw sa puso't isipan kong wala na siya. Ang akala ko sa biglang pagkawala niya'y dahil sa trabaho. Pero isa na palang habang buhay na pagkawala.

Kung sinabi lang niya sa akin, sana hindi na ako nagtampo sa bawat pagkakamaling nagagawa niya sa akin. Sana magkahawak kamay naming nilabanan ang sakit na 'yun. Sana nasamahan ko siya maghanap ng lunas. Sana... kung totoo man ang sinabi ni Kaye, sana ako ang huling mukha na masisilayan niya bago siya pumikit.

Humagulgol na naman ako sa sakit. 

"Rebecca...."anas ko dahil hindi na ako makahinga sa tindi ng emosyong nararamdaman ko.

Pinilit kong pumunta sa kwarto namin. Humahawak ako sa bawat madantayan ng mga kamay ko. Gusto ko lang masilayan ang mga gamit niya, mahawakan at mayakap. Pagdating ko sa pintuan ay kinapa ko na ang swicth ng ilaw at bumungad sa akin ang magulong kama.

Dahan-dahan akong pumunta dito at pasalampak na humiga. Wala akong lakas.... pero sa isipan ko'y nagsusumigaw si Rebecca. Si Rebecca na wala na.

Nakita ko ang larawan namin na naka-frame na ngayon sa ibabaw ng mesita. Kinuha ko ito at niyakap, napapikit ako. Iniwan na ako ni Rebecca. Sa isiping 'yun ay bumuhos na naman ang mga luha ko.

"Kian..." yugyog sa akin ng isang kamay.

Ang sakit ng ulo ko, ng katawan ko at ng puso ko. Patuloy pa rin ang pagyugyog sa akin nang makita ko si Rebecca na dumaan sa harap ko. Nakakabaong ito.

"Rebecca...!!!" sigaw ko sabay bangon.

Ang lakas ng pintig ng puso ko. Tumingin ako sa paligid, nasa kwarto ako...

"Bakit hindi ka umuwi kagabi?" tanong ni Aimee sa akin na nakaupo sa tabi ko.

Hindi ko siya sinagot, napapatingin lamang ako sa paligid. Panaginip ba ang lahat ng 'yun? Napasabunot ako sa ulo ko, sumakit na naman ito.

Uminit na naman ang mga mata ko, nagbabanta na lalabasan na naman ng luha. Ngayon ko lang naisip ang nangyari lahat.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon