Hiling-10

5K 84 1
                                    




    Natulog na si Kim, pagod raw. Ako naman ay nanuod na lang ng pelikula. 'Di ko naiintindihan ang pinapanuod ko. Tumatakbo kasi ang isipan ko sa ginawa ko kanina.... tama ba ang desisyon ko?

Lumipas ang oras, nakadalawang movie na ako hanggang...

Nagising ako sa tunog ng sasakyang huminto sa harapan namin. Anong oras na ba, 9:08 am na pala, 'tang ina!  Patakbo kong binuksan ang pinto.

"Ma' sorry, nakalimutan ko ang lakad natin. Tuloy po kayo, maliligo lang ako saglit,"

"Ano?"

Iniwan ko na si Mama, bahala na siya sa sarili niya.

Tumakbo ako sa banyo, mabilis akong naligo. Ilang buhos lang ng tubig ay huminto na ako at lumabas na.

"Nagsabon ka din ba Kian, bilis mo ah," tanong nito habang inaayos ang pagkakahiga ni Kim. "Nag-inuman kayo ano, naamoy ko kayo."

"Opo pero kunti lang,"

Mabilis na akong nagbihis, isang puting t-shirt ang nahablot ko. Isinuot ko pa rin 'yung lumang pantalon na nagamit ko na kahapon. Pati buhok ko'y nakalimutan ko nang suklayin. Nakasunod na ako kay Mama sa pick-up niya habang sinusuklay-suklay ko ng kamay ang basa kong buhok.




      Nasa Quirino raw kami sabi ni Mama ngayon. May kaibigan raw siya na nagmamay-ari ng studio. 'Dun raw ako magpapakuha ng litrato. Ipinaliwanag niya sa akin na ganun' raw siya magbenta, nagdadala ng examples kahit saan siya pumunta.

Pumasok kami sa Trish's Digi-Photo Studio. Ang luwang sa loob at malinis tingnan.

May lumapit sa aming babae.

"Mamang, bago ba 'yan?" habang sa akin nakatingin.

"Oo, gusto mong matikman, akin nang singkwenta mil mo.inilahad ni mama ang kanyang palad. "Asan ang boss mo?"

"Naku mamang ang mahal ah," habang sa ibaba ko siya nakatingin.

"Pwes, sa panaginip mo na lang siya gatasan loka! humihirit ka pa wala ka namang datong, nasaan na nga ang sir mo?" inirapan niya ito.

Sumimangot ang babae at ininguso ang isang pinto.





Hinila na ako ni Mama sa loob. Pagkapasok namin, isang lalaki ang naka-upo patalikod sa amin.

"Mare, tingnan mo ang bago kong anak," kinilabit niya ito, sa tono palang ng boses ng kasama ko'y alam ko nang ipinagmamayabang ako ni mama.

"Baka napulot mo lang 'yan sa basurahan ha," di pa rin lumilingon ang bakla. "Baka gusgusin 'yan, you can't bid him."

"Baka magsisi ka, nilalait mo ang taste ko pati mga anak ko," umupo sa mesa si Mama para magkaharap sila ng baklang ito. "And... I wont let you to taste him."

 Lumingon na nga siya, nang makita ako'y napatayo siya.

"Oh my God Mare, san' mo siya nakita...." sa akin nakatingin, hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya habang tinitingnan ako nang paulit-ulit.

Mukhang lalapit.

"Hep, hep! 'di ko 'yan pinapahawakan muna, may kleyente na ako dyan," humarang si mama na nakapameywang.

"Bakit, magkanu ba ang offer ng malditang 'yun at dodoblehin ko," mayabang niyang sagot, umupo uli sa upuan at humarap na sa amin.

"35k, pero titingnan pa niya si Kian... kung magustuhan niya'y gagawin nyang 50,"

"50k lang pala, gawin kong 70 dalawang araw siya sa akin," sa akin pa rin nakatingin ang gagong bakla.

"Hindi na pwedi Mare, ang usapan ay usapan... kung 'di niya magustuhan ang anak ko. Tatanungin ko muna ito kung papayag siya sa'yo." nilingon ako ni Mama.

"Pag nagkaganun, 30 na lamang ang offer ko," ngumiti siya sa amin.

"Gaga ka talaga noh, pagdating sa pera... Anyway, pakunan mo nga siya kay Lito," iniba na ni Mama ang usapan, salamat naman kundi ay masasapak ko na talaga ang  baklang ito.

"Ok, libre nato ha, basta pahawak sa anak mo..." tumingin siya sa ibaba ko.

Naku kung hindi lang trabaho'y may ginawa na ako dito.

"He! magbabayad na lang kami noh, sige na pakunan mo na kami kasi may meeting ako mamayang six sa ratsky." binulyawan nga ni Mama.





      Lumabas na nga 'yung si Lito, pinaghubad niya ako ng t-shirt. Binasa uli ang buhok ko at ginulo-gulo ito. Hindi na ako menik-up'an kasi tamang-tama naman raw ang pagpapawis ko sa post na gagawin ko. Paano naman kasi, kinabahan ako sa baklang 'yun. Akala ko'y ibibigay na ako ni Mama.

Pinag-pose ako nang nakatayo. Pinaghubad ako ng lahat at tanging suot ko lamang ay boxer short. Naaasiwa pa rin ako pero trabaho nga, kaya tahimik na lang akong sumusunod sa mga instructions sa akin. Ok raw ang tumutubo kong balbas, dagdag character raw sa pagkalalaki ko.

"O Kian, tumingin ka sa camera na medyo seryuso ang mukha..." 

Sumunod naman ako kaya isang click at flash ang natanggap ko.

"Oh lumiyad ka nang kunti at tumingin sa taas... " iniba ko naman ang pagpose ko, "Ganyan, ganyan nga,"  sunod lang ako nang sunod sa kanila. "Oh o... balik sa dati, sobra naman ang ganyan."

Ilang pose pa ang ipinagawa sa akin hangga't matapos. 

Habang naghihintay ako kay mama na inaasikaso niya ang mga kuha ko'y naisip ko.

Sino kaya ang magiging unang customer ko?

.

.

.

 Meet Miss Rebecca Cynthia Quijano

.


HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon