Hiling-24

4.3K 69 5
                                    

 (Sinadya kong tagalan ang up-date ko kay Kian dahil nag-iisip pa ako ng mas magandang simula sa bagong yugto sa buhay nya... hope you'll like this)

.

.

.

    Pagdating ko sa bahay ay agad akong tumuloy sa kwarto, inaasam kong baka may Rebeccang naghihintay sa akin.

Wala, wala pa ring katao-tao ang bahay na'to.

Nahiga na ako sa kama, ramdam ko pa rin ang tama ng alak kanina. Nahiga na muna ako at ang balak ko'y magluto. Baka kasi maagang dumating si Rebecca, wala syang makakain. Nag-iisip ako ng gagawin namin sa graduation ko, gusto kong mag-outing kami uli gaya 'nung isang taon. Magpapahayag uli ako ng nararamdaman ko sa kanya. At ngayon gusto ko, gasto ko lahat. Hindi ko pa  nababawasan 'yung pera ko noon na sobrang sampung libo, 'yun sana ang gagamitin ko.

Matagal ako sa ganoong sitwasyon hanggang sa mapunta ako sa isang gubat...

Nawawala raw ako at sa paglalakad ko may napuntahan akong isang daan. Tinunton ko raw ito hanggang sa dulo nya nagkahiwalay na ito ng landas. Ang isang daan ay naging dalawa na. Napahinto ako sa paglalakad, 'di ko alam kung saan ang tatahakin ko.

Hanggang sa may marinig akong boses...

Nanggagaling sa kanang daan, hinihikayat nya akong doon dumaan. Nakilala ko ang boses na 'yun, kay Rebecca. Hahakbang na sana ako nang parang may pumipigil sa paa ko, hindi ko maigalaw. Nagpapatulong ako kay Rebecca pero wala, tanging boses lang nya ang nagsasabing, pumunta ka sa akin....

Nakarinig uli ako ng boses, sa kaliwa naman ito nanggagaling. Dito ka sa akin Kian... hindi ka masasaktan... sabi ng boses sa akin. Parang dinadala lang ng hangin ang malamyos na tinig na 'yun. Paglingon ko, laking gulat ko nang makita kong may lumulutang sa likod ko. Isang hating pendant, kaliwang bahagi ang nawawala dito.

Naalaala ko ang pendant na nakuha ko sa bar, pilit kong inaabot ang nakalutang na pendant pero hindi ko maabot. Tinangka ko uling abutin, dahil sa nawawalan na ako ng balanse... natumba ako.

"Ahh!" sigaw ko sabay bangon sa kama.

Napatingin ako sa paligid, nasa kwarto ako. Panaginip lang pala ang lahat, nakatulog ako. Kinapa ko sa  bulsa ng pantalon ko ang nakita kong pendant. Tiningnan ko uli ito, kanang bahagi naman ang nawawala dito. Naisip ko 'yung panaginip ko, kaliwang bahagi ang nawawala sa lumulutang na pendant. Napatingin ako sa hawak-hawak ko, posible kayang iisa lang sila?

Nasapo ko ang ulo ko. Kian pati ba naman pendant iisipin mo pa. Pero ang may-ari nito ang nakatalik ko kanina. Nagtatalo ang puso at  isip ko. Sa matagal na panahon na nagsama kami ni Rebecca, ngayon pa lang ako nakapagtalik sa iba.

At doon sumasakit ang ulo ko, dinaya ko na ba si Rebecca, niloko, tinraydor? Iba-iba naman ang nahanap kong sagot sa sarili kong tanong.

Kinuha ko rin ang cellphone ko sa bulsa ko, binuksan ito at hinanap ang pictures namin ni Rebecca. Ang saya namin sa larawan, nakahalik ako sa pisngi niya habang siya naman ang kumuha sa amin ng shot. Ang saya niya doon, ang  ganda ng tawa. Kailan nga kinuha ito, Ahhh 'nung closing namin sa pagka-first year ko at puro matataas ang grades ko. Dito lang kami sa bahay nagsaya, naglaro kami ng sugal at sinong matatalo maghuhubad ng isang suot sa katawan. Naalala ko noon na ako ang natalo... tawa lang siya nang tawa.

Ipinilig ko ang ulo ko, iniiwasan kong isipin ang mga masasaya naming sandali kung wala siya. Sobra-sobra ko lang syang nami-miss.

'Di bale, mamaya nandito na siya.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon