Hiling- 2

6.3K 106 1
                                    



Bilang Kian...


            Pinuntahan ako ni Victor sa aking deck, mga tatlong oras na lamang ay dadaong na kami. Inayos ko na rin ang gamit ko, isang bag lang naman. Gamit ko lang ang kinuha ko sa bahay at litrato ni inay, binenta ko na lahat para magkapera ako sa pagluwas kong ito. Kahit papaano'y nakalikom ako ng mahigit sampung libong piso.

Sasama ako sa kanya, mukhang mabait naman tsaka wala akong mapupuntahan. Nagkwentuhan na rin kami kagabi sa bar, inaya niya akong uminom. Professional photographer pala siya, samantalang ako highschool graduate lamang.

"Pare, punta ka na lang sa akin ha, para sabay na tayong bumaba." kaway ni Victor sa akin mula sa bungad ng economy section.

"Sige, susunod na lang ako, ibabalik ko lang 'tong unan."




           Mga alas kwatro ng hapon nang dumaong ang Super Ferry 1 sa  pier 15, malapit sa Roxas Boulevard. Ang laki ng Maynila, sa tanawin lang mula sa kinatatayuan ko'y napakalawak talaga.

Papaano ko hahanapin si "Ama"?

"Lika na Kian, andyan' na ang sundo natin... asawa ko." yaya niya sa akin.

Malayo-layo pa ang nilakad namin bago naabot ang waiting area. Ito bang asawa niya.... ganda ah, 'di bagay sa kanya. Sa loob-loob ko.

"Ma, si Kian... naging kaibigan ko sa barko, nahulog 'yung camera ni Jing Jing at siya ang kumuha.." umakbay si Victor sa babae. 'Di na lang ako tumingin... baka mapansin niya na tumitingin ako.

"Hi Kian, kumusta ka... ako si Lani." nakangiti siya sa akin.

"Mabuti," agad akong umiwas ng tingin.

"Oh halika na at nang makaalis na tayo, sa bahay na lang tayo magkwentuhan," nauna na ang mag-asawa sa akin.



          Isang Land Cruiser ang sasakyan nila at naaaliw akong pagmasdan na si Lani ang nagdi-drive. Bihira lang akong makakita 'dun sa amin na babae ang nagmamaneho. Nag-uusap ang mag-asawa sa front seat samantalang ako sa sa likod nakaupo at sa labas nakatingin, ang laki talaga ng Maynila.

Malayo na rin ang natatakbo namin nang bigla kaming pumasok sa isang Mall.

"Kumain muna tayo pare kasi 'di nakaluto si misis." lingon ni Victor.

Tumango lamang ako.

Sa isang Italian Restaurant kami pumasok, sa gilid kami pumwesto kaya nakikita ko ang mga taong paroo't parito.

"Kian, order ka na." binigay niya sa akin ang menu, nababasa ko naman kaya lang 'di ako pamilyar sa pangalan.

"Anong order niyo, ganun' na rin sa akin." maikli kong sagot.

"Ha haha, you're so innocent Kian." malambing na sambit ni Lani na akatitig sa akin.

Parang may napapansin ako kay Lani, iba 'yung  tingin sa akin kung 'di ako nagkakamali. Problema 'to, sana nagkakamali lang ako ng hinala.




        Bandang Alas-syete na kami dumating sa bahay, ang laki at ang ganda. Sabi sa akin ni Victor nasa isang subdivision kami sa Pasay, dito na raw muna ako pansamantala hanggat 'di pa ako nakakapagdesisyon.

Inaalok niya ako ng trabaho, assistant niya.

Balak ko naman 'nung una, maghahanap ako ng trabaho at mag-continue mag-aral. Ito na ang trabaho oh, aayawan ko pa ba. Malaki pa ang oras ko kasi tatlong araw ang trabaho ni Victor sa office niya at dalawang araw naman ang field niya at doon ako sasama.

Pero pag-isipan ko raw muna baka ayaw ko. Wala na akong pag-iisipan pa, libre na ako sa bahay at pagkain may 6,000 pa ako kada-buwan. Swerte itong dumating sa akin, pwedi na akong mag-aral.

Inayyy... bulong ko na lamang hangga't sa naidlip na ako.




Tok! tok! Tok!

"Kian, gising na mag-aalmusal na tayo." nagising ako sa mga katok ni Lani, umaga na pala.

Naghilamos lang ako at nagpalit ng damit, brief lang kasi ang suot ko 'pag natutulog ei.

Nakita ko nang nakaupo si Victor, papasok siguro kasi pang-office ang suot niya.

"Lika na pare, papasok lang ako saglit... ibibigay ko lang 'yung kuha ko sa opisina, sandali lang ako. Nandito rin lang si Lani kaya 'di ka maboboring." aniya habang ngumunguya pa.

"Ok lang," humigop na ako ng kape.

Lumabas mula sa isang pinto si Lani na may dalang toasted bread at nakangiti sa akin. Bumabata ang itsura niya sa suot niyang sando at maikling short, lumalabas tuloy ang hubog ng katawan niya.

"Huwag mo nang intindihin si Kian darling, e-entertainen ko siyang mabuti."

'Nung nakaalis na si Victor ay kinakausap ako ni Lani, nagpapakwento sa buhay ko. Ok na sana ei kaso sinasadya yatang makita ko ang dibdib niya.

Sa totoo lang, nag-iinit ako ngayon. Maganda si Lani, maputi at 'di mukhang nasa mid 30's na. Sinasadya niyang makita ko ang dibdib niya. Matagal na rin akong 'di nakatikim ng totoong sex, puro salsal lang ang inaabot ng katawan ko.

Papasok na lang ako sa kwarto para safe. Ayukong magkasira kami ni Victor, kailangan ko siya para mapabuti ang kalagayan ko at makapag-simula ng magandang buhay.....

He is now Kian Montenegro->



ionah


HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon