Hiling-32

3.4K 64 2
                                    

 ( Forgiveness and letting go are steps on our road back to happiness... jeunixscute! )

.

.

.

      Pakiramdam ko'y namanhid ang buo kong katawan. 'Di ko alam kung napa-ano ba ako. May naririnig akong nagkakagulo sa paligid ko. Gusto kong dumilat pero natatakot akong baka mawala sa mga paningin ko ang magandang mukhang nakatunghay sa akin ngayon.

Lalo pa akong napapikit nang haplusin niya ang mga pisngi ko. Kay sarap damhin, ramdam ko ang init ng kanyang katawan, ng kanyang hininga, ng kanyang pagpapahalaga.

Ngunit... napadilat ako nang makaramdam ako ng ginaw sa parteng iyon.

Hinanap ko siya...

"Rebecca!!!!!" malakas kong sigaw sabay tingin sa paligid.

Ano ba ang nangyari sa akin, bakit ako nandito? Inilibot ko ang paningin ko, may iilang tao na nakatunghay sa akin. May babaeng inaakay ako para makabangon. Kinikilala ko kung sino ito, si Aimee...

Napa-upo ako, 'yung ibang mga tao ay nagsipag-alisan na.  May tatlong babae na lang na hindi pa rin gumagalaw sa pagkakatayo nila sa  tabi ng sasakyan.

Nabundol ba ako...?

Kinapa ko ang katawan ko, may sugat ba? Napatingin ako uli kay Aimee na nasa tabi ko pa rin at hinahaplos niya ang likod ko. Ngumiti siya sa akin at nagsalita.

"Are you ok baby?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Iba ang nasa isipan ko ngayon.

Keylan ba ang paglabas namin ni Kim, siguro last week lang. Pupunta kami sa Fritz Freezo para hanapin ang babaeng naka-one night stand ko. Baka dahil 'dun ay nakarma ako sa pagkawala ni Rebecca. At ang nangyari nga ay naaksidente kami.

Nasaan na kaya si Kim, ano nang nangyari sa kanya. Bakit 'nung nasa hospital ako ay 'di ko man lang siya nakita. Naalala kong nasabi ng doctor na may amnesia raw ako. Hindi ako nakakatanda pero dahil sa panaginip ko'y nagkakaroon ako nang hinala na nangyari na sa akin ang bagay na 'yun.

May isang imahe na sa bawat pagtulog ko'y nakakasama ko. 

Si Rebecca, ang pinakamamahal ko. Nasaan na ba siya...

Tiningnan ko uli si Aimee na naka-upo na sa tabi ko.

"Baby...?" sambit niya sa akin sa patanong na paraan.

"Bakit mo'to nagawa sa akin Aimee?" alam nyang masama ang loob ko.

"K-Kian... patawarin mo ako..." naiyak na siya. "Nagawa k-ko lamang 'yun dahil mahal kita..."

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon