Hiling-21

5K 76 3
                                    

.

.

.

     Maaga akong nakauwi ngayon, absent ang professor namin sa last period, kaya keysa naman sa magtambay ako ei uuwi na lang ako. Umiwas na akong makipagkita kay Aimee, baka masanay na siya sa presensya ko.

Nasa bahay na ako ngayon, nagpalit lang ako ng damit at pumunta na sa kusina, nagugutom ako. Nagluto ako ng  pansit canton at nagprito ng itlog. Kumakain na ako nang may tumutunog, cellphone ko yata. Pumunta pa ako sa kwarto para kunin, si Cynthia pala.

"Hello babe... nasaan ka ngayon, nandito na ako sa bahay,"

"Much better, kaya mo bang sumunod dito sa Kem's Market?"

"Alamu' namang hindi ko kabisado ang Maynila babe,"

"Ganito na lang, magtaxi ka na lang papunta dito,"

"Sige, tatapusin ko lang ang pagkain ko,"

"Sure, take care."

Mabilis na akong kumain at naligo agad, pinili ko ang mgshort at t-shirt lang. Sumakay na  ako ng tricycle papunta sa labasan. Nagtaxi na nga ako gaya nang sabi ni Cynthia, sinabi ko na ang Kem's Market.

Buhay nga naman!  kaya ko rin palang lakarin. Nasa bandang silangan lang kung ituturo ito mula sa aming bahay. Pumasok na ako, dalawang palapag ang nasabing department store. Sa first floor ang food and appliances section at sa second floor naman ang mga garmets.

Naglalakad na ako habang tinatawagan ko si Cynthia.

"Hello, 'asan ka dito?" palinga-linga ako sa paligid.

"Punta ka na lang sa second floor, nandito lang ako naka-upo,"

"Sige," pinatay ko na ang cellphhone at sumakay sa skelator na  nasa harapan ko lang. Nakita ko agad siya, nakaupo sa mga upuang nakahilera para sa mga customer. Nilapitan ko siya. "Bakit tayo nandito?" umupo ako.

"Tinatamad na akong umuwi sa bahay, pagod ako. .. kaya tinawagan na kita,"

"Sana umuwi ka na lang  para makapagpahinga ka,"

"Bakit pala napa-aga ang uwi mo, wala ka ng klase?" hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Hindi pumasok si Salazar, kaya umuwi na ako...... anong gagawin natin?" tanong ko, kasi nakaupo lang kami dito.

"Punta tayo kay Kaye, gusto kong kumain doon," tumayo na siya.

Sumunod na lang din ako sa kanya. Iba talaga ang  mayaman, may malapit ding kakainan, doon pa sa malayo pupunta.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon