Hiling-12

4.8K 86 2
                                    


Rebecca's pov


    Nasa Grand Starry hotel na ako, alas singko palang ng hapon. I toured the entire sections of the hotel. Sa ground floor, you can drop by and taste our own version of different pinoy foods sa restaurant namin. We also have a Mini Library to stay or just to read books. At hindi mawawala ang mini store namin na pwedi kang magshopping ng kunti.

I would say that my hotel is one of the  best hotels in Metro Manila. It has 30 floors and it's located infront of the Roxas Boulevard where you can watch the sunset. Matatanaw mo rin ang bagong tayong MOA.

Nasa 28th floor na ako, pinili ko 'yung family room. Normal na customer ang trato sa akin ng staff dahil hindi nila alam na ako ang owner nito. All they knew is Karen, my secretary. I named this hotel to her and siya din ang manager nito. Almost 4 years na syang nagtatrabaho sa akin and I saw a trust worthy person in her.

Everything in this room from the paint to the locations of things were in my hand. I like to decorate and arrange everything. Sayang nga lang hindi ako nakakuha ng course sa designs.

Light purple ang paint ng wall and sky blue ang mga curtains. The side faces the ocean is made up of glasses kaya tanaw na tanaw mo ang buong beach. Kahit na nasa loob ka'y matatanaw mo pa rin ang magandang view.

Nakatanaw ako ngayon while drinking my new wine, Veuve Clicqout Ponsadin.

Hindi ako nag-ayos ng sarili. Do I have to be beautiful in Kian's eyes so that he can't refuse my offer?

Just old rose blouse lang and black jeans.

No make-up again...

But I tied my hair up...

Kung titingnan ako, it seems that I am an ordinary girl.

Hindi ako ordinary, Im only 22 but I did have everything. Just only one thing I don't... happiness.




    Tumatawag si Kian, siguro nasa baba na siya. Rosa did the exchanging of our numbers. Sumakay na lang ako sa pag-aakala niya na hindi ko pa talaga nakita si Kian, ever.

"Hello Kian, Im Miss Cynthia Quijano... halika na,"

"Anong number po ng room niyo Misis?" nangiti ako sa misis niya.

"Magpahatid ka na  lang sa staff dyan, tell them room 857, 28th floor."

"Opo,"

I turned off the light, ang makikitang liwanag lang ay nagmumula sa buwan na tumatagos dito sa loob. 7:34 na pala ng gabi kaya litaw na litaw na ang full moon.

Umupo na ako sa sofa paharap sa pinto.

I'm gonna wait him here...





Ilang sandali pa ay may nagdodoor bell na. I did'nt locked the door kaya when I say.

"Come on..."

Tumambad sa akin ang image niya. Pinipilit nyang inaaninag ang mukha ko at hindi pa rin siya gumagalaw sa may pintuan. Is he scared or just thinking of a little bit excitements.

"Just turn on the light and close the door Kian," I whispered.

Saka pa lamang siya gumalaw nang magsalita ako.

Pagkapasok niya'y agad nyang ini-switch on ang ilaw. And when he saw my face ay nabigla nga siya at tumitig sa akin.

"Ikaw ba si Mrs. Quijano?"

Tumango ako.

"Wala ka bang asawa o boyfriend?"

"Makakapunta ka ba rito kung meron?" balik kong tanong.

"Halika," yaya ko at isenenyas ang sofa.

"Dito na ba tayo mag-aanu?" umupo siya.

"Anong mag-aanu Kain?"  maang kong tanong sa kanya.

"Miss kung ano man ang drama niyo, gawin na natin at nang matapos na.." naghuhubad na siya ng damit habang nakatingin lang sa akin.

"Wait Kian, wala tayong  gagawin ok... gusto lang kitang maka-usap,"




Parang natigilan siya.

"Anong pag-uusapan natin, kilala mo ba ako?"

"Tungkol sa'yo, gusto kong magkwento ka.. 'yun lang,"

"Anong ikukwento ko?" naguguluhan pa rin siya.

"Sa buhay mo, mga magulang mo..."

"Bakit gusto mong malaman?"

"Wala lang... bakit ayaw mo? nabayaran ko na ang buong gabi mo Kian kaya you're mine ok, gusto ko lang na magkwento ka."

Natahimik siya, parang nag-iisip.

"Well para fair, ako muna ok. Im Cynthia Quijano, 22 years old. Wala na akong magulang at wala ding kapatid." sinulyapan ko siya, "O ikaw na, mamaya dagdagan ko pa ang tungkol sa pagkatao ko,"

" Ehem! ako si A-Kian Montenegro, bagong salta dito sa Maynila, galing Gensan...,"

Nahinto ang pagsasalita niya sa door bell na tumunog.

"Kian, pakikuha nga ng mga pagkain natin please... at nang makapagkwentuhan tayo all night..."

.



HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon