Hiling-31

3.5K 71 1
                                    

(Maybe some people are'nt meant to be in our lives forever... Maybe some people are just passing through... It's like some people just come through to our lives to bring something that we can't forget forever... a gift... a care... a love... a pain... a lesson we need to learn. And that's why they're here...
You'll have that "something" forever.... Znelazebiatch. )

.

.

.

     Lumipas ang mga araw na nasa piling pa rin ako ni Aimee. Sa bawat araw na dumadaan, lalong tumitibay ang hinala ko na nagsisinungaling siya sa akin. Minsan tinanong ko siya kung paano ako naaksidente, unang sagot niya ay dalawa lang raw kami ng taxi driver. Pero nang tanungin ko siya uli kagabi kung paano nga, iba na ang kwento niya. May kasama raw akong pasahero, isang lalaki. Tinanong ko kung nasaan na ang lalaking 'yun? Sagot niya, namatay raw sa aksidente.

Hinayaan ko na lang na magpatuloy ang kanyang pagsisinungaling. Darating at darating ang panahon na gagaling ako.

Ini-unat ko ang mga paa ko, isang linggo pa ang hihintayin ko at gagaling na talaga ang mga ito. Pwedi na akong tumakbo, 'di gaya ngayon na hanggang lakad lang ako.

Hinaplos ko ang tuhod kong may peklat na ngayon ng sugat sa pagka-aksidente. Kung mawawala ba ito, babalik na ang alaala ko...?

Napalingon ako, narinig kong dumating na si Aimee. Huminto na ang sasakyan niya sa harap ng bahay. Sumilip ako sa bintana mula sa kwarto namin sa ikalawang palapag at  nakita ko na syang papasok sa loob.

Bumalik uli ako sa kama.

Umupo ako sa gilid nito at hinintay siya.

Namataan ko ang wallet ko sa mesa na nasa tagiliran ng kama. Kinuha ko ito at binuksan, may iilang calling card ang nasa loob. Isang ATM at perang magta-tatlong libong peso siguro. Binuklat ko ang ikalawang bulsa nito, may nakita akong larawan ko. Pinunit ito kaya kamay na lang ang makikita mong nakakapit sa braso ko. Kamay nino? ni Aimee... ng babae sa panaginip ko na ngayon ay nakikita ko na ang mukha o ng isang taong nag-uugnay sa kahapon ko.

"Hi baby... ready ka na?" bati niya sa akin.

Lumapit siya at agad yumakap sa likuran ko. "Baby... I miss you..." sabay halik sa tenga ko.

Umilag ako, imbes na mabuhayan ako ng pagkalalaki ay lalo lamang umuurong ang harapan ko. Ilang beses na ba niya akong tinukso, na sadyang nagpapakita ng maseselang bahagi ng kanyang katawan.

"Magpalit ka na..." lingon ko sa kanya.

"Hindi na ako magpapalit, baby..." humiga siya sa mga hita ko. 

"Bakit?" tiningnan ko siya.

"You love me?"

Natigilan ako sa tanong niya. Mahal ko ba siya? Siguradong hindi, ang sagot ng puso ko. Tinitigan ko siya, isang babae lamang ang nakikita ko. Dinama ng puso ko ang mukha niya, ang mga matang nangungusap sa bawat sulok ng kanyang sarili. Wala akong maramdaman.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon