Hiling-42

3K 60 4
                                    




           Naaaninag ko ang ilaw na nagmumula sa taas, nasaan na ba ako, sa langit na? Huling naalala ko ay binaril ako ni Ramon na asawa ni Linda. Ginawa ko lang ang hiling ng babae at ngayon ay nasaan ako?

Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko kaya nakarinig ako ng boses sa kaliwang side ko.

"Nagkamalay na siya..." sabi ng boses lalaki.

Gumalaw ako pero napangiwi ako sa nararamdaman kong sakit ngayon. Masakit ang katawan ko at nakakaramdam ako ng init.

"Kian...." lapit sa akin ng boses babae.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko. Si lola ang nakatanghod sa akin at ngumingiti.

"Kian, anak...." haplos niya sa mukha ko. "Oy! halika ka nga dito, gising na siya." sitsit niya kay lolo na sumisilip sa labas ng pintuan.

"Teka lang, nag-aabang ako ng nurse." sagot ni lolo na sa labas pa rin nakatingin.

Hindi na siya pinansin ni lola, patuloy pa rin nyang hinahaplos ang buong mukha ko, ang mga pisngi ko.

"Maganda na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko. "Wag mong isipin si Kenneth ok lang siya sa nursery."

"Lola, nakailang oras na ako dito... hindi na ako nakatawag sa gym." palinga-linga ako sa paligid.

"Pagdating namin dito ni lolo mo ay nasa operating room ka, mga limang oras na ngayon." Napansin ng matanda ang ikinikilos ko. "Anong hinahanap mo?" naghahanap na rin ang mga mata ng matanda.

"Nasaan na ang damit ko kanina, ang cellphone ko lola?" tanong ko sa kanya.

"Ah nasa banyo, isinampay ko muna ang t-shirt mo dahil napuno ng dugo... ang mga gamit mo naman ay nasa Doctor mo pa." Tumayo siya, "Wag mo nang intindihin ang trabaho mo, magpakita ka lang 'pag magaling ka na..." iniwan niya ako at nilapitan ang asawang nasa pintuan pa rin.

"Ano ba ang tinitingnan mo dyan ah, kumustahin mo nga si Kian." tapik niya sa balikat ni lolo.

"Oo na, napakaselosa talaga ng lola mo iho... tulo laway talaga 'yan sa akin." lapit nito sa akin. "Oh musta na, ok na ba ang pakiramdam mo?"

Nangingiti akog tumango sa kanya.

Salamat sa kanila at kahit papaano'y binisita nila ako.



          Nang gabi ring iyon ay pinilit ko nang magpa-discharge pero hindi ako pinahintulutan ng personal doctor ko. Napakasirawa pa raw ng sugat ko sa bandang dibdib at baka ma-infection kung aalis agad ako. Hindi ko naman iniisip ang maging bill ko dito, ang anak ko ang laman ng isipan ko kung mapaano siya. Nakahinga lang ako ng maluwag nang sabihin sa akin ng matatanda na sa kanila muna si Kenneth.

Alam ko hindi nila pababayaan ang bata kaya nagpalipas ako ng gabi 'doon na walang pag-alala sa puso ko.

Kinabukasan ay naka-usap ko si SPO1 Danny Santos. Inimbistigahan niya ang kaso ko, ang pagkabaril sa akin. Pero karamihan sa mga tinatanong niya ay tungkol kay Ramon Espina. Napag-alaman kong wanted pala ito sa pulisya dahil sa kasong kidnapping, murder, at kung anu-ano pa.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon