Hiling-44

2.9K 59 1
                                    



     Lumipas ang mga araw, bukas na ang alis namin ni Kenneth papuntang Madrid. Sa loob ng tatlong linggo ay inasikaso ni Sir Danny ang lahat ng mga kakailanganin namin. Mula sa passport hanggang sa iba pang documents na kailangan naming kunin. Lagi kaming lumalakad sa gabi dahil nga may tinataguan ako.

Nagpadala ako ng 350,000p o 6,000 euro para sa Schengen Visa namin ni Kenneth na magtatagal ng 90 days doon. "Yun lang raw ang ipo-provide ko dahil siya na ang mag-sponsor sa iba pang gagastusin at gastos pagdating namin doon.

Kasalukuyan kaming binisita nila lola at lolo sa condo ng bahay ni Sir Danny. Hindi ko nga alam kung bakit ganun' na lang ang kabait niya sa akin.

Ngayon nga ay nasa trabaho siya at nagpaalam akong may bisita na darating. Walang problema sa kanya at paghandaan ko pa raw ang bisita ko.

"Yung ibang mga gamit mo ay dinala ko sa bahay Kian, ang tinira lang namin ay ang mga bago mong binili." kwento ni lola sa akin habang nakakandung sa kanya si Kenneth.

"Salamat ho lola." inilapag ko ang ginawa kong orange juice at biscuits na hinalungkat ko sa cabinet sa kusina.

"Kung ako sayo Kian, 'wag ka nang bumalik dito.... magulo ang buhaay mo dito iho." si lolo naman ang sumabat.

"Magpapakuha na rin kami kay Joey Lyn para sama-sama na tayo doon.... hindi basta-basta ang nabangga mo."

Tumabi ako nang upo kay lolo at hinawakan ang tuhod niya.

"Titignan ko lolo, 'pag madali lang ang maghanap ng trabaho doon... baka sakali...." tugon ko pero iba ang nasa isip ko ngayon, paano si Rebecca kung babalikan niya ako.

"Ikaw talagang matanda ka, 'wag mong pilitin si Kian." nilaro-laro niya ang bata. "Hayaan mong magdesisyon siya sa kanilang buhay...."

"Nagrerekomenda lang ako....." sagot naman ni lolo.

Napapailing ako habang sinasalinan ko sila ng maiinom.

"Uminom muna kayo...." ibinigay ko kay lolo ang isa. "Akin na po si Kenneth lola." kuha ko sa bata sa kanya at sabay na ibinigay ang isang baso ng juice.

"Wag mong kalimutan ang padala namin kay Joey Lyn ah..." bilin ni lola.

"Naman po lola, malilimutan ko na ang lahat.... 'wag lang ang padala mo.."

"Naku 'wag mo na 'yang utuin Kian, ang dali nyang maniwala...." sabat ni lolo.

"Tse! tumahimik ka nga." sagot agad ni lola.

Napapatawa na lang ako sa dalawang ito, matatanda na'y buhay na buhay pa rin ang kasiglahan ng kanilang relasyon. Sana maging ganito kami ni Rebecca.

Naipilig ko ang ulo ko, Rebecca na naman.

         



          Kinagabihan ay inimpake ko uli ang isang bag namin. Isiningit ko doon ang iilang mga damit ni Rebecca at ang padala ni lola kay Joey. Tawagin na akong gago, tanga, baliw dahil sa nagpapa-alipin ko sa pag-ibig at alaala namin ni Rebecca, wala sa akin 'yun. Talagang mahal ko siya, hanggang ngayon ay hindi siya nawawala sa puso't isipan ko. Nawalan ako ng gana sa babae dahil sa kanya.

Napatigil ako sa pagkilos habang naka-upo sa sahig, ganun' kalakas si Rebecca sa akin. Nabago niya ang buhay ko. Tinapos ko lang ang pag-iimpake at sumampa ako sa kama at tinabihan nang higa si Kenneth.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon